Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bureau of Fire protection, BFP, Parañaque

2-anyos paslit patay sa sunog

HINDI nakaligtas sa kamatayanang isang 2-anyos batang lalaki nang masunog sa loob ng kuwarto habang  nag-iisa sa Parañaque City, nitong Sabado ng hapon.

Hindi na binanggit ang pagkakakilanlan  ng batang lalaking nama­tay. Bunso umano sa tatlong magkakapatid ang biktima ng Brgy. Sun Valley, Parañaque City.

Ayon sa ulat na isinumite ni Parañaque Bureau of Fire protection (BFP) SFO1 Gennie Huidem, dakong 3:45 pm ng 2 Oktubre 2021 nang magsimula ang sunog sa 2-storey residential house na pag-aari ng isang Wilfredo Prado.

Umabot sa first alarm ang sunog na idine­klarang fireout dakong 5:03 pm.

Tinatayang nasa 50 pamilya ang nadamay at apektadong kabahayan na umabot sa 13 yunit.

Ayon kay SFO1 Huidem, nasa ibaba ang lolo ng biktima at dala­wang kapatid habang nasa kuwarto sa ika­lawang palapag ang biktima nang sumiklab ang apoy at hindi na nakuha pang mailigtas.

Naiwan umano sa lolo ang mga bata dahil nasa trabaho ang ama at ang ina na nagtungo sa inaaplayang employ­ment agency .

Hindi pa tukoy ang pinagmulan ng apoy  sa nangyaring sunog sa mga kabahayan na pawang yari sa light materials.

 (GINA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Goitia PCG PH Army

Goitia: Ang Pag-atake sa Escoda Shoal ay Maaaring Ituring na Deklarasyon ng Digmaan

Sinasadyang Karahasan sa Kabuhayan ng Pilipino Ang pagkasugat ng tatlong mangingisdang Pilipino at pagkasira ng …

Brian Poe FPJ Grace Poe

Iba’t Ibang sektor nagkaisa sa paggunita kay FPJ
Suporta para sa legasiya ni FPJ at Grace Poe ipinahayag sa Ika-21 anibersaryo ng pagpanaw

LIBO-LIBONG mamamayan mula sa iba’t ibang sektor ang nagsama-sama upang gunitain ang ika-21 anibersaryo ng …

DOST Region 02 Upskills ST Pen Videography to Boost Scicomm

DOST Region 02 Upskills S&T Pen Videography to Boost Scicomm

The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 strengthened its science communication initiatives as …

PTFOMS Recto

Recto: Human security must be central to national security

Executive Secretary Ralph G. Recto has underscored that human security must be central to the …

Joey Salceda

Salceda, walang kinaalaman sa ‘2024 national budget insertions’

MATINDING pinabulaanan ni dating Albay Rep. Joey Sarte Salceda ang paratang na mayron siyang kinaalaman …