Thursday , June 4 2026
DSOU-NPD, Prison

Helper kulong sa boga

BAGSAK sa kulungan ang isang helper na nakuhaan ng improvised na baril sa Navotas City, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni District Special Operation Unit ng Northern Police District (DSOU-NPD)  chief  P/Lt. Col. Jay Dimaandal, ang naarestong suspek na si John Rey Medina, 23 anyos, residente sa Malaya St., Tondo, Maynila.

Batay sa ulat ni /PLt. Col. Dimaandal kay NPD Director P/BGen. Jose Hidalgo, Jr,, nakatanggap ng tawag sa telepono mula sa isang concerned citizen ang DSOU hinggil sa isang lalaki na may bitbit umanong baril habang naglalakad sa kahabaan ng C-3 Road, Navotas City.

Kaagad pinuntahan ng mga operatiba ng DSOU sa pangunguna ni P/Lt. Melito Pabon ang naturang lugar, na naabutan ang suspek na may bitbit na baril kaya’t nilapitan nila ito sabay nagpakilalang mga pulis dakong 4:30 pm.

Kusang loob na isinuko ng suspek sa mga pulis ang dalang baril ngunit nang hanapan ng kaukulang dokumento para sa naturang armas, wala siyang naipakita, dahilan upang siya’y arestohin.

Narekober sa suspek ang isang improvised handgun at dalawang bala ng .9mm, sinampahan ng kasong paglabag sa RA 10591 (illegal possession of firearms and ammunition) sa piskalya ng Navotas City. (ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …