Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Aiko Melendez, Riders

Aiko to da rescue sa mga rider — Sa dami ng walang trabaho ‘wag na dumagdag sa mga reklamo

IPINAGTANGGOL ni Aiko Melendez ang mga rider na naghahatid ng mga nabili natin sa online tulad ng mga pagkain, gamit, papeles o dokumento at marami pang iba.

Sa tindi ng trapik ngayon at may pandemya, marami pa rin ang takot lumabas kaya iniaasa ng karamihan sa riders.

May mga nababasa tayong kilalang personalidad na inirereklamo nila ang ilang rider at ipino-post nila ito sa kanilang social media accounts para raw magtanda, bagay na hindi nagustuhan ng marami dahil masyadong pamamahiya ang ginawa. Sana idiniretso sa opisina na lang ang reklamo at hindi para ipahiya sila lalo’t nababasa ito ng kanilang pamilya.

At hindi pabor ang isa sa cast ng Prima Donnas dito na bagama’t wala siyang binanggit na pangalan ay tiyak na may guilty sa post niya.

Aniya, ”Madalas ako magpa-deliver sa mga delivery food apps, Like Grab, Lalamove, Toktok at iba pa.

“Minsan me mga deliveries sila sa akin na di ako satisfied, Pero hindi ako aabot sa oras na i-call out ko pa sila. Kasi kung tutuusin unti lang naman ang kinikita nila. Dito pumapasok ‘yung pabayaan n’yo nalang ang mga maliit na bagay lLalo na kapag mas nakakaluwag tayo than them di ba.

“Nahaharap tayo sa isang situation na di naten lahat gusto, ‘yan ang pandemya. Madaming pagkakataon ang dami ko gusto sabihin o share na sinasaloob ko nalang lalo na kung di naman ako umaabot na maghihirap ako sa mga pagkakataon na di ako masaya sa mga maliliit na bagay.

“Sa dami ng walang me trabaho ngayon ‘wag na tayo dumagdag sa mga reklamo na maaring maglagay sa tao na mawalan s’ya ng pinagkakakitaan. ‘Yan ay ako lang naman. Palampasin na ang mga bagay na maliit i-bless naman tayo ni Lord sa mga gawain na ganyan. #Aikolangnamanyan.”

Sabi nga rin ni Lester Llansang bilang isa ng Lalamove rider na ngayon pagkatapos ng acting stint niya sa FPJ’s Ang Probinsyano, sana dagdagan ang pang-unawa ng mga customer.

“Sana maging mabait sila kasi sobrang hirap talaga bilang Lalamove rider. Bukod sa delikado ang biyahe, minsan naliligaw pa at napapagalitan pa kahit kasalanan naman niyong nag-pin…tulad ng nangyari sa akin.

“Saka hindi natin alam ’yung mga pinagdadaanan ng mga rider. Baka may naka-away sa kalye kaya pag dating sa’yo naka-busangot o kaya pagkaka-abot ng diniliber pa-balang.

“Hindi naman nila iyon sinasadya sa tingin ko. Hindi naman iyon para idamay ka sa init ng ulo nila. So, mas habaan natin ang pasensya siguro.  At kung magbibigay ng tip kahit piso… kaya pala kapag [noon pag] nagbibigay ako ng tip o kaya hindi ko na kinukuha ‘yung sukli iba ’yung ngiti nila, e. Iba ‘yung saya.”

May payo rin siya sa mga kagaya niyang nasa delivery service industry.

“And doon naman sa mga riders, kapag may problema sa bahay ’wag natin dalhin sa kalye kasi it’s either mapa-away ka o mawala ka sa focus, ma-aksidente ka. Kaya tiyaga lang talaga at sipag.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Puregold CinePanalo 2026 Top 20 Student Shorts finalists

Puregold CinePanalo 2026 Top 20 Student Shorts finalists inanunsyo

IPINAKILALA na ng  Puregold CinePanaloang Top 20 student short films na napili mula sa 267 entries …

Than Perez Kathryn Bernardo

Baguhang aktor biggest crush si Kathryn 

MATABILni John Fontanilla HEAD over heels ang pagka-crush ng newbie actor na si Than Perez kay Kathryn Bernardo. …

Coco Martin Aljur Abrenica

Coco malaking blessing kay Aljur 

MATABILni John Fontanilla MAITUTURING na blessing sa kanyang buhay ang actor/producer at direktor na si Coco …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle may mga bagong kalaban sa bagong yugto ng Roja 

PATULOY na sinusubaybayan ng mga manonood ang Roja, na umeere sa ALLTV2,  A2Z, Kapamilya Channel, at online na nakamit …

Paolo Gumabao Spring In Prague Sara Sandeya 

Paolo dapat seryosohin pagiging dramatic actor

RATED Rni Rommel Gonzales BIDA sa Spring In Prague sina Paolo Gumabao at ang Macedonian actress na si Sara Sandeva. …