Thursday , December 26 2024

Nakahihilong mga patakaran ng gobyerno

YANIG
ni Bong Ramos

MASYADO nang nagugulohan ang mga tao sa kung ano-anong patakarang ipinatutupad ng gobyerno hinggil sa pagsugpo o pagpigil sa virus na dulot ng CoVid-19.

Nahihilo at desmayado na ang madlang people sanhi ng iba-ibang klase ng community quarantine na ipinatutupad.

Hindi umano malaman ng publiko kung nasa status pa tayo ng ECQ, MECQ, GCQ at kung ano-ano pang community quarantine na kung titingnan ay wala rin namang pagbabago.

Ipinapalagay ng marami na parang walang direksiyong tinutumbok at patutunguhan ang mga ginagawang hakbang ng gobyerno. Kumbaga sa manok ay hilong-hilo na at putak nang putak na lamang.

Bakit kamo? Mantakin ninyong idineklara na ang status na GCQ noong nakaraang linggo, sukat pang bawiing muli sa loob lamang ng tatlong oras.

Urong-sulong, atras-abante sa mga mismong patakarang ipinatutupad nila samantala sila-sila lang naman ang nag-uusap hinggil sa mga patakarang gusto nila.

Kawawa ang mga umaasang publiko na handang-handa na upang muling maghanapbuhay ngunit muling nabigo sa kanilang inaasahan samantala ang mga taong nasa likod nito ay easy-easy lang na walang ibang ginagawa kundi kumumpas at ayos na.

Ang gobyernong ito, partikular ang bumubuo ng IATF ay para bang nagpapakita ng senyales na hindi sila para rito sa krisis na kinakaharap ng buong bansa.

Kung sa bagay, mukhang hindi sila nararapat dahil karamihan ng bumubuo ay mga retiradong heneral imbes na health expert, siyentipiko, at mga taong may kinalaman sa kalusugan at medisina ang nasa kanilang lugar.

Ano nga naman ang kinalaman ng mga heneral, samantalang hindi naman gera, terorismo, at banta sa seguridad ng bansa ang nakataya rito.

Hinfi kaya panahon na upang bigyan ng pagkakataon ang iba nating kababayan na talagang may kaalaman sa kasalukuyang krisis nating kinakaharap?

DUTERTE, RETIRED GNERALS HILIG SA KANYANG GABINETE

Talaga yatang mahilig sa mga retiradong heneral si Pangulong Rodrigo Duterte na agad niyang itatalagang miyembro ng kanyang gabinete.

Base ito sa pagtatalaga niya kay dating PNP Chief Gen. Debold Sinas bilang Undersecretary sa Office of the President.

Hindi kaila sa ating lahat, wala pang isang taon nang magretiro si Sinas bilang PNP Chief ngunit ngayo’y miyembro na ng kanyang gabinete.

Hindi natin malaman kung talagang mahilig o dili kaya ay kahinaan talaga ng ating mahal na Pangulo ang mga retiradong heneral.

Bukod kina Gen. Año, Gen. Cimatu, Gen. Galvez, at marami pang iba, nadagdag muli ang isa pang heneral sa katauhan ni Gen. Sinas.

Malamang na 50 porsiyento ng gabinete ay binubuo ng mga retiradong heneral at militar, ‘di po ba?

*****

Happy, happy 65th birthday in advance to my kumpadre Manny Bilardo of Barrio Roxas, Tondo, Manila on Saturday, September 26, 2021. Wishing you the best of health and luck. May you have many, many more birthdays to come. God bless at mabuhay ka!

About Bong Ramos

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *