Friday , August 15 2025
LJ Reyes, Gigi Hadid
LJ Reyes, Gigi Hadid

LJ ine-enjoy ang NY; Instant fan ni Gigi Hadid

KAILANGANG tulungan ni LJ Reyes ang sarili niyang mag-move on sa masakit na hiwalayan nila ng long time boyfriend niyang si Paolo Contis lalo’t may anak silang dalawang taong gulang, si Summer.

Kasa­lukuyang nasa New York City, USA si LJ kasama ang mga anak na sina Aki at Summer at tuloy pa rin ang buhay para sa mag-iina kapiling ang mama nito at walang kasiguraduhan kung kailan siya babalik ng Pilipinas.

Sa kasalukuyan ay ini-enjoy ng mag-iina ang klima sa New York dahil summer doon kaya malamang panay ang pasyal nila.

At kamakailan ay nama­taan si LJ ng mga kababayang Pinoy na dumalo sa New York Fashion Week.

Ito ang unang beses na nakita ang aktres na dumalo sa isang pagtitipon at magan­d­ang senyales iyon para mapabilis siyang makalimot.

Sa IG Story nito ay panay ang post niya ng mga nangyari sa semi-annual fashion show na isa sa inaabangan ng lahat ay ang international model na si Gigi Hadid.

Nabanggit ni LJ na ito ang unang beses niyang makadalo sa NYFW na nakita niya ang latest design ni Brandon Maxwell para sa spring/summer 2022.

Instant fan girl si LJ dahil nang rumampa na si Gigi Hadid sa stage ay kaagad niyang ipinost ang video ng sikat na modelo na ang caption ay, ”Manay Gigi ang ganda mooooo!!!!!! (bawling faces and faces with heart eyes emojis). In English, Ms. @gigihadid YOU ARE SOOOOO BEAUTIFUL!!!!”

Sa isa pang post ni LJ, ”My first #NYFW!!! (heart emoji) and it was such an eye candy!!! And can’t get over @gigihadid and these creations!”

Nakunan naman si LJ ng isang make-up brand habang kinukunan siya ng larawan at ang daming humanga sa itsura niyang brushed up wet-look hair, sleeveless dark top, loose khaki pants at smokey-eyes makeup. 

(Reggee Bonoan)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Zela

Zela acting ang unang love 

I-FLEXni Jun Nardo AKTING ang unang gusto ng baguhang singer na si Zela. Eh nang masubukan …

Charlie Fleming

Charlie Fleming posible pagsali sa Miss Universe PH

I-FLEXni Jun Nardo OPEN ang puso’t isipan ng Sparkle artist na si Charlie Fleming na sumali sa Miss …

AZ Martinez Gracee Angeles SCD Skin Care Depot 2

AZ bagong endorser ng Skin Care Depot 

MATABILni John Fontanilla MASAYANG-MASAYA ang ex-PBB Collab housemate at Kapuso artist na si AZ Martinez na ini-launch bilang …

Nicole Al Amiier Ang Aking Mga Anak

Nicole Al Amiier mahusay sa Ang Aking Mga Anak 

MATABILni John Fontanilla PROMISING ang protegee ni Direk Jun Miguel na si Nicole Al Amiier na napanood namin sa …

Judy Ann Santos

Judy Ann naisalba ng mga ipong alahas

RATED Rni Rommel Gonzales NOONG mga panahong hindi pa siya sikat at hindi pa kumikita …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *