Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Lovi Poe, ABS-CBN, Dreamscape

Lovi matagal nang gustong makuha ng Dreamscape

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

SI Lovi Poe na nga kaya ang pahiwatig ng Dreamscape Entertainment na lilipat sa Kapamilya Network?

Sa pamamagitan ng Instagram post na nakasisilaw na batong diamante na umiikot-ikot na may nila ito ipinahiwatog na may nakalagay na, ‘A precious jewel finds a new home 09.16.2021 #JustLove’ Malabo ang pagkakalagay ng letrang ‘e’ kaya kung babasahin ay “JustLov.

Ang caption ay, “Mark your calendars! 09.16.2021#JustLove.”

Eh, sino ba ang may pangalang Love, maliban kay Heart Evangelista na nananatiling nasa GMA 7.  At saka galing na ng Kapamilya Network ang misis ni Chiz Escudero kaya hindi na akma ang ‘finds a new home’ sa kanya.

Anyway, walang malinaw kung sa Setyembre 16 darating ng bansa si Lovi diretso sa contract signing niya bilang bagong Kapamilya artist o idadaan sa virtual ang pirmahan ng kontrata.

Nitong Setyembre 6 namin naisulat dito sa HATAW na konompirma ng aming source na tuloy na nga ang paglipat ni Lovi sa Kapamilya Network dahil mas pinili nito ang inilatag na projects sa kanya kompara sa GMA 7 na roon siya nanatili sa loob ng 17 years.

Ngayon lang namin isusulat ang iba pang kuwento ng aming source, “nalungkot ang mga taga-GMA siyempre sa kanila nagsimula si Lovi, eh.  At inalagaan din naman nila, aminin natin ‘yun at halos lahat naman ng magagandang projects ibinibigay kay Lovi.

Maayos naman nag-usap sina Lovi at GMA management, nagpasalamat ang management team ni Lovi, sina Leo (Dominguez) sa GMA.”

Nabanggit pa na tila hindi na raw natsa-challenge si Lovi sa mga seryeng ibinibigay sa kanya.

In terms of talent fee ay hindi kami sinagot ng aming source kung isa ito sa factor ng paglipat ng aktres. Inisip namin kung kaya pa bang mag-offer ng malaking bayad ang Kapamilya Network sa mga bagong artista nila considering na wala silang prangkisa at alam din ng lahat na nagbawas sila ng mga pasuweldo nila sa lahat ng empleado at mga artista.

Gusto ulit naming balikan ang alaalang nakausap namin years ago ang hepe ng Dreamscape Entertainment na si Deo T. Endrinal na on the spot ay natanong namin kung sino ang aktres na gusto nitong lumipat ng ABS-CBN at makatrabaho, ang bilis ng sagot niya, “Lovi Poe!”

Sa tanong namin sa TV executive kung bakit, “wala kasi tayong ganoong beauty (noon), ‘yung morena at class, at saka marunong umarte.”

Mabilis din kaming sumang-ayon noon kay DTE dahil multi talented naman talaga si Lovi, bukod sa maganda, marunong umarte ay marunong din kumanta. Hmm gagawa rin kaya ng album ang aktres sa Star Music bukod sa pelikula sa Star Cinema?

Samantala, may mga nabasa kami na baka puwedeng magkaroon ng cameo role si Lovi sa FPJ’s Ang Probinsyano bilang ka-love triangle nina Cardo Dalisay (Coco Martin) at Mara (Julia Montes).

Talagang napa-wow kami, ang guwapo naman talaga ni Cardo huh, isipin mo ang gaganda ng leading ladies niya.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Unang Hirit

Isang linggong sorpresa inihatid ng UH

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BONGGANG mga sorpresa ang hatid ng Unang Hirit para sa masayang week-long anniversary …

Odette Khan Bar Boys 2, After School

Ms Odette Khan binigyan bonggang pagpapahalaga sa Bar Boys 2

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAIYAK kami sa tila mala-tribute na pag-welcome kay Ms Odette Khan ng buong …

Rabin Angeles Angela Muji

Rabin sobrang na-challenge sa lauching movie

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BONGGA talaga ang Viva Entertainment dahil sa pagpasok pa lang ng 2026, heto …

Rabin Angeles Angela Muji Crisanto Aquino

Rabin inamin matagal nang crush si Angela, A Werewolf Boy binago ang ending

NAKAGUGULAT ang tinuran ni Rabin Angeles nang amining bata pa man siya’y crush na niya ang ka-loveteam …

Gerald Anderson

Gerald umamin may mga pagkukulang kay Julia kaya naghiwalay

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAHANGA-HANGA ang ginawang pag-amin ni Gerald Anderson na may pagkukulang siya kay Julia Barretto kaya …