Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
shabu

Bebot nag-ipit ng shabu sa kanin timbog (Dadalaw sa BF)

ARESTADO ang isang babaeng dadalaw sa kanyang boyfriend na nakakulong nang mabisto ang shabu na itinago sa kanin sa Caloocan City, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ang naarestong suspek na si Erica Rivera, 40 anyos, residente sa Zapote St., Bagong Barrio.

Lumabas sa inisyal na imbestigasyon, dakong 1:00 am nang dumalaw ang suspek sa kanyang boyfriend na nakakulong sa Bagong Barrio Police Sub Station 5, sa Brgy. 146 para dalhan ng pagkain.

Habang nagsasagawa ng routine inspection si P/Cpl. Dandan Canuto at P/Cpl. Philip Siembre sa dalang pagkain ng suspek, may napansin silang kakaiba sa loob ng isang transparent plastic bag na naglalaman ng kanin.

Inatasan ni P/Cpl. Canuto ang suspek na buksan ang plastic bag at ilabas ang laman nito at doon nakuha ang nakapalaman sa kanin na isang transparent plastic sachet na naglalaman ng 0.9 gram ng hinihinalang shabu, tinatayang nasa P6,120 ang halaga.

Inaresto ng mga pulis ang suspek at sinampahan ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 sa piskalya ng Caloocan City. (ROMMEL SAĹES) 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …