Monday , May 12 2025
Rhen Escaño
Rhen Escaño

Rhen pang-international na ang acting

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

SPEAKING of Rhen Escaño back to back ang paggawa niya ng pelikula. Bukod sa Paraluman na pinagbibidahan nila ni Jao Mapa at mapapanood na sa September 24, may isang international movie pa siyang ginagawa.

Katunayan, nasa Singapore ito nang gawin ang virtual media conference para sa Paraluman  at naikuwento nito ang ukol sa ginagawang international movie.

Ayon sa kuwento ni Rhen, marami silang nag-audition para sa role na ang istorya ay ukol sa isang domestic helper mula sa Pilipinas at Vietnam na nagtatrabaho sa Singapore.

At sinuwerte namang siya ang napili para pagbidahan ang Sunday na makakasama niya ang Vietnamese actor na si Ho Thanh Trung.

Ani Rhen, taong 2020 siya nag-audition.

“It’s a love story, kung paano masu-survive ng dalawang characters na ‘yon.

“Nakatutuwa kasi mapo-portray mo ‘yung mga kababayan nating nagtatrabaho sa ibang bansa para sa mga pamilya nila. Nakatutuwa siyang gawin,” sambit ni Rhen na nasa day 10 na ang shooting nila at may natitira pang 20 shooting days.

Excited si Rhen sa ginagawang pelikula sa SG. ”Grabe, nakatutuwa na marami akong nae-experience na mga bagong bagay na hindi usual na ginagawa natin sa Pilipinas o hindi ko na-experience sa atin.

“Marami akong nakikilalang mga tao at excited po talaga ako.

“Mapapanood ito, lalo na sa bansa natin. Sana abangan ng lahat dahil special itong project na ito for me.”

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Dennis Trillo Rhea Tan Beautederm Belle Dolls

Dennis swak na endorser ng Belle Dolls Zero Filter Sunscreen, Rhea Tan idiniin kahalagahan ng skin care sa mga lalaki

SOBRANG thankful si Dennis Trillo na finally, officially ay part na ng Beautederm family ang …

Nadj Zablan Laya

Kantang Laya ni Nadj Zablan nabuo pagkatapos ng pandemya

MATABILni John Fontanilla TIMELY ang bagong kanta ng Pinoy Alternative Rock Singer-songwriter na si Nadj Zablan na Laya na …

VMX Karen Lopez

VMX star Karen Lopez ilang araw ng nawawala

MATABILni John Fontanilla HINDI makontak ilang araw na at nawawala ang VMX (dating Vivamax) star na si Karen …

GMA Election 2025

Pinakamalaki, komprehensibo, pinagkakatiwalaan hatid ng Eleksiyon 2025: 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA pamamagitan ng Eleksyon 2025: The GMA Integrated News Coverage, asahan na …

COMELEC Vote Election

Konsensiya at puso gamitin sa pagboto

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ESPESYAL ang araw na ito para sa bansa. Huhusgahan na natin …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *