Saturday , August 23 2025
cyber libel Computer Posas Court

Cybersex ops timbog sa Vale, at Batangas

UMABOT sa 41 indibidwal na sinabing pawang sangkot sa cybersex ang inaresto sa sabay-sabay na anti-cybercrime operations ng mga awtoridad sa tatlong magkakaibang lugar sa Valenzuela City at lalawigan ng Batangas nitong nakaraang araw ng Martes, 31 Agosto.

Sa pahayag ni Philippine National Police (PNP) chief, Gen. Guillermo Eleazar kahapon, sinabi niyang ang operasyon ay isinagawa ng Anti-Cybercrime Group (ACG) sa pakikipag-ugnayan sa Valenzuela city police, Lipa, at Sto. Tomas, at sa Cybercrime Investigation and Coordinating Center.

Sa ulat ng ACG, sinabi ni Eleazar, naparalisa ng  nasabing operating units ang cybersex activities ng mga suspek na nagpapanggap na lehitimong call center representatives sa isang commercial establishments sa Barangay Paso de Blas, Valenzuela City, sa Lipa City, Batangas, at sa isang residential area sa Sto. Tomas, Batangas.

Ang nasabing operasyon ng mga awtoridad ay bunsod ng impormasyong kanilang natanggap mula sa isang concerned citizen sa pamamagitan ng PNP Enhanced, Anti-Cybercrime Campaign, Education, Safety, and Security (E-Access) platform hinggil sa kahina-hinalang call center activities sa nasabing area.

Nabatid sa imbestigasyon, ang kagayang cybersex syndicates ay bumibiktima ng netizens sa pamamagitan ng pag-aalok ng ‘erotic massage services’ kapalit ng online registration sa kanilang website na ang ipinambabayad ay mula sa credit cards account.

Ayon kay Eleazar, nagpapanggap ang mga suspek bilang US-based na mga kabataang babae at lalaki, pero kapag nakapagrehisto na ang ‘target client/victim’ at nagbayad ng US$50 (P2,500) mula sa kanilang credit card account ay bigla nang iba-blocked.

Kinompiska ng mga awtoridad ang maraming ebidensiya gaya ng desktop computers na isasailalim sa digital forensic examinations para sa imbestigasyon.

Ang inarestong suspek ay nasa kustodiya ng Valenzuela City Police, Lipa City Police, at Sto. Tomas City Police at mahaharap sa mga asuntong paglabag sa Section 4 (c) (1) (Cybersex) Republic Act 10175 o Cybercrime Prevention Act of 2012.

Nitong nakaraang linggo, inilunsad ng PNP ang E-Access online verification platform upang palakasin ang responde laban sa mga kasong cybercrime. (JSY)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About JSY

Check Also

Brian Poe Llamanzares Pangasinan

Serbisyong totoo: Brian Poe, nagdala ng ayuda sa mga kababaya sa Pangasinan

San Carlos, Pangasinan — Isang makulay na gabi ng musika at pasasalamat ang idinaos ng …

Arrest Shabu

P.2-M shabu, patalim nakuha sa 16-anyos estudyante sa loob ng eskuwelahan

ISANG estudyante na hinihinalang sangkot sa sindikato na pagpapakalat ng ilegal na droga ang nakuhaan …

Isko Moreno Alvarez St Avenida Joel Chua

Covered court ipinagiba ng congressman
Construction site, heavy equipment ipinakandado ni Yorme Isko Moreno

GALIT na ipinakandado ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang mga heavy equipment at …

Raymond Adrian Salceda Albay TESDA

Salceda: Albay at TESDA, magpa-partner sa AI Readiness Institute 

LIGAO CITY – Inihayag kamakailan ni Albay 3rd District Rep. Raymond Adrian “Adrian” Salceda, ‘House …

George Erwin Garcia Comelec

Comelec Chairman nasalisihan sa Pasay
Bebot na miyembro ng Salisi Gang arestado sa Las Piñas

ARESTADO ang isang babae na kabilang sa anim kataong miyembro ng Salisi Gang na nambiktima …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *