Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
vivamax Metamorphosis The Throne
vivamax Metamorphosis The Throne

2 makapigil-hiningang pelikula handog ng Vivamax

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

TIYAK na mapapasigaw ang sinumang manonood sa makapanindig-balahibo at makapigil-hiningang pelikula na hatid ng Vivamax,ang dalawang Korean blockbuster movies, ang Metamorphosis at The Throne.

Sa July 22 na mapapanood ang horror thriller film na Metamorphisis naang istorya ay ukol samag-asawang Gang-goo (Sung Dong-Il) at Myung-Joo (Jang Young-Nam) kasama ang  tatlo nilang anak na nang lumipat sa kanilang bagong bahay ay naka-experience ng kakaiba at nakatatakot na pangyayari. Hanggang sa ang demonyo ay nagpalit-anyo  bilang isa sa kanilang pamilya at sinimulan silang saktan. Dito na tinawag ng kanilang panganay  na anak angkanilang tiyuhin na si Joong-Soo (Bae Sung-Woo), isang Paring Katoliko at nagsasagawa ng exorcism para tulungan ang pamilya nila na labanan ang demonyo.

Sa July 29 naman, maglakbay sa unang panahon sa sinasabing pinakamalupit na kuwento ng Joseon Dynasty sa pelikulang The Throne. Nangyari ito sa panahon ng paghahari ni Haring Yeongjo (Song Kang-ho), na ang kuwento ng buhay ni Crown Prince Sado (Yoo Ah-in), ang tagapagmana ng trono na sa edad 27, ay idineklarang hindi karapat-dapat maging hari.

At dahil sa kanyang plano na patayin ang hari, hinatulan siya ng kanyang ama at ikinulong siya sa isang maliit na kahon sa loob ng walong araw.

Sa loob ng kahon, nagsimulang makakita ang prinsipe ng iba’t ibang halusinasyon na lalong nagpalala sa inaakalang sakit niya sa pag-iisip.

Panoorin ang Metamorphosis at The Throne  at iba pang blockbuster movies kapag nag-subscribe sa Vivamax. Mag-subscribe gamit ang Vivamax app via Google Play Store at App Store. Unli-watch na sa halagang P29 para sa tatlong araw, P149 kada buwan o P399 para sa tatlong buwan para sulit na sulit. Pwede kang magbayad gamit ang GCash, Globe, Smart, Visa/Mastercard, PayMaya o PayPal account na naka-link sa iyong Google or Apple account. Maaari ring mag-subscribe sa www.vivamax.net, pumili ng plan, at magbayad sa EC Pay outlets: 7 Eleven at All Day o via PayMongo, GrabPay at GCasho via PayMaya.

Para makapagbayad mula sa E-commerce, maaaring pumili sa Lazada, Shopee, GCash, ComWorks Clickstore, Paymaya o Globe One. Para makapagbayad mula sa authorized outlets, maaaring pumili sa Load Manna, ComWorks, at Load Central partner outlets: Cebuana Lhuillier, at Palawan Express.

Pwede ring tumawag sa inyong Cable Operators para mag-subscribe: Sky Cable, Cable Link, KCAT Fiber, Air Cable, Aklan Cable Television Co., Inc. Cebu Cable HD, Cotabato Cable Television Network Corp., Concepcion Pay TV Network Inc., BCTVI, Paradise Cable Television Nework, Inc., Wesfardell Connect, Z-energy Cable TV Network Inc.

Available rin ang Vivamax sa Middle East! Sa ating mga kababayan sa UAE, Saudi Arabia, Kuwait, Oman, Bahrain, atQatar, watch all you can na for only AED35/month.  Sa Europe, makakapanood na sa Vivamax sa halagang 8 GBP kada buwan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Gerald Anderson

Gerald umamin may mga pagkukulang kay Julia kaya naghiwalay

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAHANGA-HANGA ang ginawang pag-amin ni Gerald Anderson na may pagkukulang siya kay Julia Barretto kaya …

Jessy Mendiola Luis Manzano

Luis at Jessy puno ng pasasalamat ngayong 2025 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MATAPOS ang isang matagumpay na taon para kina Jessy Mendiola at Luis Manzano, nagpasalamat …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …