Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mayor Vico leading man ni Janine; Chemistry kitang-kita

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

KUNG natuloy siguro sa pag-aartista si Pasig Mayor Vico Sotto ay malamang si Janine Gutierrez ang ka-love team niya dahil mga bata palang ay nakitaan na sila ng chemistry.

Yes, magkasama sa school play na hindi binanggit ni Lotlot de Leon kung saan nag-aral ang dalawa, pero sa pagkakaalam namin ay sa St. Paul Pasig ang dalaga.

Anyway, ipinost ni Lotlot ang mga larawang kuha sa play na mga bata pa sina Vico at Janine.

Ang caption ng mommy ng dalaga, ”Kay bilis ng panahon.. ang aking panganay na laging kasama dati sa school play at ang kanyang leading man ay walang iba kundi ang napakahusay na Mayor ngayon ng Pasig.  Janine and Mayor Vico.

“Both meant to be great in their chosen careers! Napakasarap alalahanin at tignan! nakaka proud talaga! Hi babe! @janinegutierrez.”

Unang nag-react ang boyfriend ni Janine na si Rayver Cruz na tawang-tawa.

Sinagot naman ito ni Lotlot ng emoji hearts at smiling emojis.

Maging si Mayor Vico ay natawa rin at nag-post ng smiling emojis.

Sabi ni  @ms.lotlotdeleon, @vicosotto Mayor, proud of you! (clapping hands emojis).

Say naman ni Mayor Vico, ”Thank you Tita @ms.lotlotdeleon ! Last appearance ko po bilang artista ‘yung play na to.”

At sagot ni Lotlot, @vicosotto awwww heheh. stay safe and healthy! God bless you always!”

Hayan humirit na si @sidney_pablico,@vicosotto bagay din kayo ni @janinegutierrez as love team Mayor @vicosotto.”

Anyway, maraming supporters si Janine na natuwa sa post na ito pero marami pa ring humirit ng larawan nila ni Rayver.

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …