Thursday , March 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Cloe mahiyain pero mapangahas

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

KASALUKUYANG nasa Houston, Texas USA ang baguhang aktres na si Cloe Barretto para damayan ang amang maysakit at nag-aaral din  siya roon.

Excited si Chloe sa una niyang pelikulang siya ang bida, ang Silab na idinirehe ni Joel Lamangan at kapareha niya sina Marco Gomez at Jason Abalos produced ng 3:16 Productions at distributed ng Viva Films.

Base sa press release, nakitaan ng husay sa pag-arte si Cloe sa pelikulang Anak ng Macho Dancer na pinagbidahan naman ni Sean De Guzman na hawak din ni direk Joel kaya kaagad siyang binigyan ng bidang pelikula na isinulat naman ng award winning actress and screenwriter na si Raquel Villavicencio.

Anyway, flattered si Cloe dahil ikinompara ang pag-arte niya ni direk Joel sa premyadong aktres na si Jaclyn Jose kaya hiningan siya ng reaksiyon sa nakaraang virtual mediacon nito kamakailan.

“Sobrang na-shock po ako kasi parang siyempre po baguhan tapos nakompara ako sa batikan na at hindi ko po ma-explain ang feeling noong malaman ko,” sagot ng dalaga.

Sa tanong kung ano ang natutuhan niyang aral pagkatapos niyang gawin ang Silab bilang baguhang artista.

“Sobrang dami po, katulad paano makihalubilo (sa lahat). Kasi po lock in taping po kami and, first time ko po silang nakasama and hindi po talaga ako (sanay) sa maraming tao. So, isa po sa natutuhan ko kung paano makiharap ng tama, paano makisama,” say ng dalaga.

Mahiyain pang sumagot si Cloe sa mediacon pero mapangahas sa kanyang karakter sa Silab na tinuhog niya ang dalawang lalaki sa buhay niya, ang asawang si Jason at kabit na si Marco.

Mapapanood ang Silab simula Hulyo 9 sa Vivamax kasama ang Middle East.  Kasama rin sa pelikula sina Lotlot de Leon, Jim Pebanco, at Chanda Romero.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Ai Ai delas Alas Gerald Sibayan

Ai Ai delas Alas single na uli 

I-FLEXni Jun Nardo OPISYAL nang diborsyada si Ai Ai de las Alas sa asawang si Gerald Sibayan ayon sa …

Gil Cuerva

Gil Cuerva nagsalita na: video paglabag sa kanyang privacy

RATED Rni Rommel Gonzales SIMPLE, diretso, at walang paligoy-ligoy ang official statement ni Gil Cuerva tungkol sa …

Kim Molina Jerald Napoles

KimJe balik trabaho na

RATED Rni Rommel Gonzales ALIW na aliw ang netizens, kabilang na kami, sa mga video …

Derrick Monasterio Elle Villanueva Boy Abunda

Derrick tinalikuran pagiging babaero 

RATED Rni Rommel Gonzales KAPURI-PURI  si Derrick Monasterio sa pagiging matapat nito. Sa recent guesting kasi nila ng …

Caprice Cayetano Heath Jornales

Caprice napogian, kinilig kay Andres

MATABILni John Fontanilla MUKHANG hindi type ni PBB Collab 2.0 Big Winner Caprice Cayetano ang ipinapareha sa kanya ng …