Thursday , June 4 2026

Direk Joel sa tapang maghubad ni Cloe — Para siyang si Jaclyn Jose

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio


IBA siya, malalim siya. Para siyang hindi baguhan sa pag-arte.” Ito ang tinuran ni Direk Joel Lamangan sa bida ng kanyang pelikulang Silab, ang baguhang si Cloe Barreto na handog ng 3:16 Media Networks at ire-release ng Viva Films sa July 9 na mapapanood sa VivaMax.

Sa digital media con, grabe ang papuri ni Direk Joel kay Cloe gayundin sa isang leading man nitong si Marco Gomez. Wala kasing naging problema ang director sa dalawa nang hilingin niyang gawin ang ilang maseselang eksena.

Kaya naman nasabi ni Direk Joel na, ”Iba siya, malalim siya. Para siyang hindi baguhan sa pag-arte. Mahusay ‘yung bata. Kapag nabigyan pa siya ng maraming pelikula siguradong marami pa siyang ipakikita.”

Hindi rin nahirapan si Direk Joel sa mga sex scenes ni Cloe kay Jason Abalos.

“Wala siyang  kaarte-arte sa ipi­nagagawa ko. ‘Yung mga inhibition niya kinalimutan niyang lahat kaya napakadali niyang katrabaho. Para siyang si Jaclyn Jose noong nagsisimula pa lang siya sa ‘Private Show,’” giit ng premyadong direktor.

Sinabi pa ni Direk Joel na hindi siya nagdalawang-isip na idirehe ang mga baguhang sina Cloe at Marco dahil kailangan ng industriya ng mga bagong mukha.

“Kailangan natin ng mga bagong mukha, bagong artista, mga promising actor kasi kung hindi natin sila bibigyan ng chance, eh, mamamatay ang industriya natin. 

“Karamihan sa mga artista natin ay matatanda na, kailangan natin ng bago, pero ‘yung mga baguhang promising at nakaaarte.”

Ang Silab ay mula sa panulat ng multi-awarded scriptwriter na si Raquel Villavicencio. Kasama rin sa Silab sina Lotlot de Leon, Jim Pebengco, at Chanda Romero. Mapapanood na ito simula July 9 via streaming. Mag-subscribe na sa Vivamax sa web.vivamax.net. Maaari ring mai-download ang app at mag-subscribe sa Google Play Store at App Store. Watch all you can na sa halagang P149 kada buwan o P399 para sa tatlong buwan para sulit na sulit. Mayrooon pang hot price na P29 lamang at may 3-day access na sa Vivamax para mapanood nang paulit-ulit ang Silab gayundin ang ibang pelikula ni Lamangan, tulad ng Warat, Ang Huling Birhen sa LupaBulaklak ng MaynilaHindi Tayo Pwede at iba pa.

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

It’s just is. And we just are — Daniel sa pictures nila ni Kaila

MA at PAni Rommel Placente NAGBAHAGI sa kanyang Instagram page si Daniel Padilla ng mga litrato nila ng girlfriend …

Sheryl Cruz 2026 Model Mom Award Viva Cafe

Sheryl Cruz Model Mom 2026

MATABILni John Fontanilla ISA si Sheryl Cruz sa pinarangalan sa 2026 Model Mom Award na ginanap sa Viva Cafe …