Thursday , June 4 2026

Satellite-based technologies para sa mas maayos na digital education

MAS mabilis na pagpapalawig ng digital technology sa mga pampublikong paaralan.

Ito ang isa sa mga bene­pisyong tinukoy ni Senador Win Gatchalian sa paggamit ng satellite-based technologies sa pagpapalawak ng internet access sa bansa.

Layon ng inihain ni Gatchalian na Senate Bill No. 2250 o “Satellite-Based Technologies for Internet Connectivity Act of 2021” na palawakin ang access sa satellite-based technologies bilang isa sa mga paraan upang maging konektado ang buong bansa sa internet.

“Habang hindi pa nakaba­balik ang mga mag-aaral sa eskuwelahan, mas maiging ngayon pa lang ay inilalatag na natin ang mga paghahanda para sa itinataguyod nating digital education sa buong bansa,” diin ni Gatchalian.

Sa ilalim ng naturang panukala, papayagan nang magkaroon at magpatakbo ng satellite-based technology para sa kanilang mga gawain ang mga ahensiya ng pamahalaan, mga pampubliko at pribadong non-profit institutions, at mga volunteer organizations na nakatutok sa mga usaping pang-edukasyon, kalusugan, pinan­sya, agrikultura, pangangalaga sa kalikasan, pagtugon sa climate change, kahandaan sa mga sakuna, at pagresponde sa mga krisis.

Upang makapaghatid ng internet gamit ang satellite-based technologies, lalo a mga lugar kung saan magiging magastos ang paglalatag ng wired o mobile wireless networks, ginagamit ang satellite upang makakuha ng internet signal mula sa internet service provider (ISP) papunta sa user.

Nagpapadala ng wireless internet signal ang ISP sa isang satellite sa kalawakan, habang ang satellite dish ay konektado naman sa modem ng user upang makagamit ito ng internet.

“Sa isinusulong nating pagpapalawig sa paggamit ng satellite-based technologies, bawat paaralan at bawat tahanan ay maaari na nating maabot,” ayon sa Chairman ng Senate Committee on Basic Education, Arts and Culture.

(NIÑO ACLAN)

 

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan

Check Also

OKGames

OKGames Brings Gaming and Entertainment Together at the OKGL Baccarat Master Series and OKAngels Finals

Lights dimmed, music filled the room, and anticipation grew stronger with every moment as OKGames …

PUREGOLD OPM CON GEN 2026 Feat

SB19, Ben&Ben, Alamat, Flow G
PUREGOLD IPINAGDIRIWANG TALENTO NG PINOY SA OPM CON GEN 

ITATAMPOK muli ng Puregold ang malalim na ugnayan ng mga Filipino at ng OPM sa Araneta Coliseum …

BingoPlus VIP Clubs First every winner of the BMW X1 Hybrid

BingoPlus VIP Club’s First every winner of the BMW X1 Hybrid

BingoPlus VIP Clubs First every winner of the BMW X1 Hybrid Manila, Philippines — A …

SM Bacolod Bulawan Trade Fair

5 Reasons Shoppers are Obsessed with the Bulawan Trade Fair at SM Bacolod
Discover Negrense artisans, local finds, and exciting experiences that deserve a spot on your plans

SM Supermalls and the Association of Negros Producers (ANP) formally open the Bulawan Trade Fair …

SM Supermalls cycling bicycle

SM Supermalls Expands Nationwide Push for Cycling Through Bike-Friendly Facilities and Active Mobility Initiatives

MANILA, Philippines – Since the energy crisis, many Filipinos have been exploring alternative modes of …