Saturday , November 16 2024
shabu drug arrest

6 tulak ng droga tiklo (P.7-M shabu sa Vale)

ANIM na hinihinalang tulak ng droga ang naaresto  makaraang makuhaan ng mahigit sa P.7 milyong halaga ng shabu sa magkahiwalay na buy bust operation ng mga awtoridad sa Valenzuela City, kahapon ng madaling araw.

Sa imbestigasyon ni P/Cpl. Pamela Joy Catalla, dakong 3:00 am nang magsagawa ng buy bust operation ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Lt. Joel Madregalejo sa ilalim ng panganga­siwa Col. Ramchrisen Haveria, Jr., sa Libis Bukid, Brgy. Malinta na nagresulta sa pagka­kaaresto kay Jeany Rose Radaza, alyas Apple, 37 anyos.

Kasamang inaresto sina Michael Anthony Balcruz, alyas Praning, 49 anyos, Erlinda Gutierrez, 53 anyos, Babylyn Novilla, 42 anyos, at Elwood Edoyaga, 40 anyos, na naaktohan ng mga operatiba na sumisinghot ng shabu sa loob ng bahay.

Nakompiska ng mga operatiba ang nasa 55 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P374,000 ang halaga, buy bust money na binubuo ng isang tunay na P500 bill at 10 pirasong P500 boodle money, P700 cash, 4 cellphones at ilang drug paraphernalia.

Bandang 10:28 pm nang unang matimbog ng isang team ng SDEU sa pangunguna ni P/Lt. Medregalejo sa buy bust operation sa Lords Candle St., De Castro Subd., Brgy. Paso De Blas si Remy Jaen, 41 anyos, matapos bentahan ng P8,000 halaga ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer.

Ayon kay SDEU investigator P/SSgt. Ana Liza Antonio, nakuha sa suspek ang tinatayang 55 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price na P374,000, buy bust money na binubuo ng isang tunay na P1,000 bill at 7 pirasong P1,000 boodle money, P2,200 cash, cellphone at pouch.

Kapwa nahaharap ang anim na suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug Act. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *