Wednesday , February 4 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

5 Pampanga water districts nalugi nang mag-JVA sa Primewater Infra Corp. (ayon sa coa)

BULABUGIN
ni Jerry Yap

MASAMA ang naging lagay ng limang Pampanga water districts nang sila ay pumasok sa joint venture agreement sa Primewater Infrastructure Corp.

Ito mismo ang pahayag ng Commission on Audit  (COA ) sa kanilang pagsusuring ginawa sa limang Pampanga water districts ng Mabalacat City Water District (MCWD), City of San Fernando Water District (CSFWD), Floridablanca Water District (FWD), Guagua Water District (GWD), at ang Lubao Water District (LWD).

Grabe raw ang idinausdos ng kita ng limang water districts mula nang makipag-ugnayan sa Crime ‘este’ Primewater.

At upang huwag tuluyang bumagsak, pinayohan ng State auditors ang limang water facilities na i-renegotiate ang kanilang joint venture deals dahil imbes makatulong sa local government units (LGUs) na maging independiyente at supisyente sa supply ng tubig, e nawindang ang kanilang kalagayan.

Base sa kanilang kasunduan, ang Primewater ang hahawak sa operational control sa nasabing water utilities, ganoon din ang water supply, at ang management systems ng kanilang septage.

Sa ulat na ipinadala sa MCWD noong April 29, sinabi ng COA, ang nasabing mga utility: “was generating more profit from its operations before it entered the JVA.”

Kaya nakapagtataka kung bakit mula nang hawakan ng Primewater ay biglang bumulusok ang kanilang kita.

Bukod sa pagbulusok ng income, inirereklamo rin ng kanilang mga kliyente na hindi maayos ang kalidad ng tubig mula nang pasukin ng Primewater.

Sakit ito ng Primewater na hindi natin maintindihan kung bakit tuwing pumapasok sila sa isang bayan o lungsod, bumabaho, maitim, at hindi nagiging regular ang tulo ng tubig sa gripo.

At ang higit na nakapagtataka, bakit nila nakukuhang makombinsi ang mga water district gayong marami na ang masamang feedbacks tungkol sa kanilang serbisyo?

Isa pa, kung hindi kayang ayusin ng Primewater ang kanilang serbisyo, bakit pinakikialaman nila ang mga water districts sa buong bansa?

Mantakin ninyo, sa ulat ng COA, ang MCWD’s net income ng MCWD bago makialam ang Primewater ay P61.296 milyones noong 2018 pero bumagsak ito nang halos 50% (P35.343 million) noong 2019.

At nitong 2020, lalo pa itong bumagsak nang abutin na lamang sa net income na P4.758 million.

 Ibig sabihin dumapa na nang husto!

At sabi ng MCWD dahil daw ‘yan sa depreciation expenses at sa pagtaas ng sahod ng mga empleyado.

Wattafak!

Anong mayroon ang pamilya Villar, na nagmamay-ari ng Primewater, kung bakit nakukuha nila ang mga water district sa kanilang Primewater at kahit bulok ang serbisyo ay hindi na makapalag ang LGUs?!

 May goodwill bang pinag-uusapan dito? May papel ba ang Department of Public Works and Highways (DPWH) kung bakit mabilis na napapasakamay ng mga Villar ang mga water district?!

Tsk tsk tsk….

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Isang makatarungang trapik para sa MRT-7

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. SIMULA 1 Pebrero, dapat nang maghanda ang mga motorista …

PADAYON logo ni Teddy Brul

“Minahal kita” – Si Kristo sa panig ng Anakpawis (Dilexi Te – Book of Revelation 3:9)

PADAYONni Teddy Brul SA PAGLULUNSAD ng Labor Consultative Assembly na inisyatiba ni Bishop Gerardo “Gerry” …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Paninindigan ni Chiz sa  impeachment vs VP Sara tama, batas dapat masunod

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA GITNA ng matinding tensiyon at ingay ng politika noong kasagsagan …

Sipat Mat Vicencio

Mr. President, bakit hindi ‘urgent’ ang anti-political dynasty bill?

SIPATni Mat Vicencio SA KABILA ng pagdedeklara ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. na isang …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Desperate move kina PBBM, ES Recto…pero bokya sa ebidensiya

AKSYON AGADni Almar Danguilan TIRANG personal – usong-usong ito sa away politika. Madalas nangyayari ang …