Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Buong pamilya ni Kristoffer nagka-Covid


Rated R
ni Rommel Gonzales

MATINDING pagsubok ang naranasan ni Kristoffer Martin noong tamaan ng Covid-19 ang kanyang buong pamilya.

Sino-sino ang dinapuan ng sakit at kailan eksakto?  Ano ang matinding aral ang natutuhan niya rito?

Ano ang pinaghugutan ninyo ng tibay at lakas ng pagkatao para malampasan iyon?

“September last year sila tinamaang tatlo. Nag-start kay Mama tapos nagkahawaan na silang lahat. 

“Mahirap lalo na malayo ako. Iba ‘yung anxiety ko kasi ‘di ko sila pwede puntahan. Pero ako ang naggo-grocery para sa kanila, inilalagay ko lang sa labas ng bahay. 

“Mas naging matatag ‘yung relationship namin as a family. Mas nakita ‘yung importance ng isa’t isa sa amin,” pahayag ni Kristoffer.

Dahil sa krisis na pinagdaanan nila, isa si Kristopffer sa naghahangad at nananalangin na matapos na ang pandemya.

Kapag natapos na ang pandemya, saan niya unang gustong pumunta at bakit at sino ang isasama niya?

“Na-miss ko na mangibang bansa. Hindi pa kasi nakalalabas ang parents ko ng ibang bansa. Baka sila isama ko.”

At dahi nga sa pandemya ay maraming bagay ang hindi muna maaaring gawin. Para kay Kristoffer, ano ang isang bagay na nami-miss niya, na hindi niya muna magawa dahil sa pandemya?

“Nami-miss ko ‘yung external shows. ‘Yung magpe-perform ka sa mga fiesta at malls. 

“Na-miss ko mag-perform sa harap ng maraming tao.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …