Monday , December 23 2024

Puganteng manyakis ng Region 8 nakorner sa Bulacan

MATAPOS ang mahigit apat na taong pagtatago sa batas, naaresto ng mga awtoridad sa lalawigan ng Bulacan ang isang puganteng pinaghahanap ng batas sa Eastern Visayas na nagtatago sa lungsod ng San Jose del Monte, nitong Sabado, 5 Hunyo.

Ayon kay P/Col. Lawrence Cajipe, provincial director ng Bulacan PPO, nagtulong-tulong ang mga elemento ng 1st Platoon, 2nd PMFC, Warrant Section ng SJDM CPS, 301st RMFB 3, RIU 3, RIU 8, RID PRO 8, Leyte MPS, PIU Leyte PPO, at 804th MC RMFB 8 sa ikinasang manhunt operation sa Brgy. Minuyan Proper, sa nabanggit na lungsod.

Kinilala ang nadakip na suspek na si Elmar Ligutan, 32 anyos, delivery driver, at residente sa Blk. 2 Lot 2 Winter Breeze Subd., Upper Quarry, sa naturang lugar.

Napag-alamang si Ligutan ay nakatala bilang Top 3 Most Wanted Person sa Eastern Visayas o Region 8 at nagpalipat-lipat ng tirahan upang makaiwas sa mata ng batas.

Nabatid na may standing warrant of arrest ang suspek para sa tatlong bilang na kaso ng Sexual Abuse at Rape na nakapagtago nang mahigit apat na taon bago naares­to ng mga awto­ridad sa lungsod ng San Jose del Monte. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *