Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kapitbahay ‘trip’ patayin, kelot tiklo 2 pang law breaker timbog

ARESTADO ang isang lalaking itinurong pumatay sa kanyang kapitbahay, pati ang dalawa pang suspek na may paglabag sa batas sa magkaka­hiwalay na operasyon ng pulisya sa lalawigan ng Bulacan hanggang Linggo ng umaga, 30 Mayo.

Batay sa ulat na ipina­dala kay P/Col. Lawrence Cajipe, provincial director ng Bulacan PNP, kinilala ang suspek sa pama­mas­lang ng kanyang kapit­bahay na si Manuel Santos, 51 anyos, at residente sa Brgy. Pulong Bayabas, bayan ng San Miguel, sa nabanggit na lalawigan.

Nadakip ang suspek ng mga nagrespondeng tauhan ng San Miguel Municipal Police Station (MPS) matapos makatang­gap ng ulat na may naga­nap na pamamaril sa naturang barangay.

Sa imbestigasyon, na­ba­tid na binaril ng suspek nang walang dahilan ang hindi na pinangalanang biktima sa kanilang bahay, na sinabing kanyang pinagtripan gamit ang kalibre .45 baril.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng San Miguel MPS ang suspek habang inihahanda ang mga kasong Murder, Frustrated Murder, at paglabag sa RA 10591.

Samantala, nadakip ng mga operatiba ng Provincial Intelligence Unit (PIU) at Marilao Municipal Police Station ang suspek na kinilalang si Jaymar Manalo, 23 anyos, ng Brgy. Lambakin, bayan ng Marilao, matapos magben­ta ng isang plastic sachet ng hinihinalang shabu sa isang poseur buyer sa naturang lugar.

Nakuha ng mga awtoridad mula sa suspek ang 27 selyadong plastic sachet ng hinihinalang shabu at buy bust money.

Nadakip din ang sus­pek na kinilalang si Eduar­do Sumaya, 38 anyos, ng Brgy. Bagumbayan, sa bayan ng Bulakan ng mga tauhan ng Bulakan Municipal Police Station (MPS) nang dalawang beses sinampal, itinulak, at pagbantaang papatayin ang kanyang biktima.

(MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo Im Perfect

Earl Jonathan at Anne Krystel naging ‘Anghel’ ni Sylvia 

ni Allan Sancon ISA sa mga pinakatumatak na pelikulang kasali sa 51st Metro Manila Film Festival ngayong …

BingoPlus G2E Asia PH FEAT

BingoPlus furthers Responsible Gaming and Corporate Social Responsibility Campaign at G2E Asia PH

Erick Su, Head of ArenaPlus under DigiPlus Interactive Corp. at the G2E Asia PH 2025. …

BingoPlus SexBomb Girls FEAT

Get, get fun! BingoPlus celebrates SexBomb Girls’ reunion with mall show and studio visit

BingoPlus, the country’s leading digital entertainment platform, amped up the excitement with a fun-filled mall …

Tagaytay Midlands Golf Club President’s Cup BingoPlus FEAT

Tagaytay Midlands Golf Club hosts the Annual President’s Cup presented by BingoPlus

BingoPlus, the country’s leading digital entertainment platform, sponsored the annual President’s Cup, which celebrated the …

Bulacan Sineliksik Met

Bulacan WWII docu films take spotlight at ‘Kasaysayan sa MET’

CITY OF MALOLOS — In commemoration of the 80th anniversary of the Philippine liberation from …