Sunday , December 7 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sarah Geronimo Matteo Guidicelli Mommy Divine
Sarah Geronimo Matteo Guidicelli Mommy Divine

Mommy Divine Geronimo, deadma at walang ‘keber’ sa pagbati ni Matteo ng “Happy Mother’s Day”

WE heard na kahit nag-effort si Matteo Guidecille, na batiin last Mother’s Day ang kanyang mother in-law na si Mrs. Divine Geronimo, ay wala raw response ang nanay ng wife na si Sarah Geronimo.

Ibig sabihin kaya deadma at walang ‘keber’ si Mommy Divine sa greetings sa kanya ni Matteo kasi hanggang ngayon ay hindi pa rin niya tanggap ang hunk singer-actor para sa daughter na Pop Star Princess?

And how true na maging ang daddy ni Sarah na si Mang Delfin ay hindi rin daw tanggap si Matteo dahil may lahi itong Kastila. Ang gusto raw talaga ni Mang Delfin ay hindi taga-howbiz ang mapangasawa ni Sarah kaso, hindi na matutupad ang kanyang pangarap dahil kasal na sa ‘civil ceremony’ ang anak kay Matteo at balitang ikakasal pa ang dalawa sa simbahan.

Well tulad ng normal couple na hindi tanggap ng parents ang napangasawa ng kanilang daughter ay lalambot lang siguro ang puso nina Mommy Divine at Mr. Delfin kay Matteo kapag nagkaapo na sila sa dalawa.

Yes kahit gaano pa katigas ang puso nila kapag nasilayan nila ang kanilang apo ay tiyak na lalambot sila at dito na nila matatanggap si Matteo na mahal na mahal ni Sarah.

Sa ngayon ay sa kanilang restaurant at farm abala sina Mr. and Mrs. Geronimo.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …