Friday , May 17 2024

Direk Toto pumanaw dahil sa komplikasyon sa COVID-19

PUMANAW na ang veteran director na si Toto Natividad, 63, noong Martes, matapos tamaan ng COVID-19.

Si Navotas Mayor Toby Tiangco ang naghatid ng malungkot na balita sa pamamagitan ng kanyang Facebook post.

Aniya, ”Isa na namang masipag na serbisyo publiko at matapat na katuwang ng pamahalaang lungsod sa paglaban sa pandemya ang nawala sa atin. Ikinalulungkot po nating ibalita ang pagpanaw ni Kap. Toto Natividad, punong barangay ng North Bay Boulevard South (NBBS) Kaunlaran.

“Kahit na senior citizen na at bahagi ng bulnerableng sektor na may mas mataas na tyansang mahawa ng COVID-19, hindi nagpapigil si Kap. Toto sa pangunguna sa pag-asikaso at pangangalaga sa kanyang mga kabarangay.

“Palagi ang kanyang paalala sa kanyang nasasakupan, mapa-personal o sa social media, na mag-ingat para makaiwas sa sakit. “Nakikiramay tayo sa kanyang pamilya, kaibigan at lahat ng mahal sa buhay, at sa lahat ng mga taga-NBBS Kaunlaran. Malaking kawalan si Kap Toto, hindi lamang sa inyo, kundi sa buong Navotas.

“Hindi matatawaran ang kanyang paglilingkod, at nawa’y manatili sa atin ang mga aral na kanyang naituro at kabutihan na kanyang nagawa.”

Bago ito, nanawagan pa ang anak niyang si John Isaac Natividad para mai-confine sa ospital ang kanyang ama. ”Ako po ay mapagkumbababang humihingi ng tulong po para sa aking ama na si Direk Toto Natividad, kailangan po maconfine ni papa sa ospital.

“Nahihirapan po kami ngayon makahanap ng ospital dahil puno po lahat. baka po makahingi ng tulong niyo.”

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Kira Balinger Kelvin Miranda

Kira  inamin feelings kay Kelvin: may kaunti, ang pogi kasi niya

MATABILni John Fontanilla KAHIT walling nabuong relasyon kina Kira Baringer at Kelvin Miranda, lead actors ng pelikulang, Chances Are, …

Lolit Solis

Bonggang birthday celeb ni Manay Lolit pinaghahandaan ng mga alaga

I-FLEXni Jun Nardo BONGGANG birthday celebration next week ang pinaghahandaan ng talents ni Manay Lolit Solis. …

Blind Item, Woman, man, gay

Gay showbiz personality hinimok magka-anak asawang male model sa GF

ni Ed de Leon NAPAG-USAPAN na rin lang iyang same sex marriage, noon pa namin …

Heart Evangelista

Heart magdadahan-dahan muna sa trabaho

HATAWANni Ed de Leon NAGDESISYON ngayon si Heart Evangelista na kailangan nga raw siguro siyang mag-slow down …

Robin Padilla Queenie Kylie Zherileen

‘Karma’ ni Robin unfair ipasa kina Queenie at Kylie

HATAWANni Ed de Leon PARANG unfair naman ang sinasabi ng mga tao kung minsan, nang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *