Friday , May 17 2024

Matataas na kalibreng baril, granada buko sa raid (Sa Zambales)

NATAGPUAN ang matataas na kalibre ng mga baril at granada sa mga bahay ng dalawang suspek na hindi nadatnan sa ginawang pagsalakay ng pinagsamang puwersa ng CIDG CFU Olongapo, CIDG PFU Zambales, 301st MARPSTA, PIU, PDEU, 1st at 2nd PMFC, PDEG, SWAT, ZPO, HPG, PDEA at Subic Municipal Police Station sa bisa ng search warrants nitong Huwebes, 15 Abril, sa Subic, lalawigan ng Zambales.

Kinilala ni PRO3 Director P/BGen. Valeriano de Leon ang mga suspek na sina Abel Israel, alyas Abel Muslim; at Joel Salvador, alyas Jongjong, kapwa mga residente ng Purok 6-B, Calapacuan, sa nabanggit na bayan, parehong sasampahan ng kasong paglabag sa RA 10591.

Nasamsam ng mga awtoridad sa bahay ng mga suspek ang isang M67 fragmentation HE hand grenade, isang pistolang walang tatak, isang kalibre .45 baril, isang magasin, isang hand-held grenade, at mga bala.

Inihain ng mga awtoridad ang search warrant sa mga kaanak ng mga hindi dinatnang suspek sa kanilang mga bahay na nagpaunlak para magrekisa at sa presensiya ng mga kinatawan ng barangay upang magsilbing saksi.

“We have been continuously beefing up our aggressive drive to recover and to seize loose firearms through continuous police operations and implementation of search warrants against illegal gun owners. May this serves as stern warning to all, especially those who have not yet renewed their licenses or turn-over their undocumented firearms in the nearest police station for safe keeping,” pahayag ni P/BGen. De Leon. (RAUL  SUSCANO)

About Raul Suscano

Check Also

051724 Hataw Frontpage

Tutol sa adelantadong renewal ng prangkisa
SOLON NAGBABALA MERALCO MATUTULAD SA SMNI NI QUIBOLOY

MULING nadagdagan ang tumututol sa ‘adelantadong’ renewal ng prangkisa ng distribution utility na Manila Electric …

Humingi ng advance payment para sa sex service
2 ‘KOLEHIYALANG’ CALL GIRLS, BUGBOG SARADO SA KANO

ni Almar Danguilan MASAKLAP ang inabot ng dalawang kolehiyala na sumang-ayong makipagtalik sa 28-anyos American …

Francis Tolentino

Sa usapin ng WPS
‘WIRETAPPING’ NG CHINESE EMBASSY vs AFP IMBESTIGAHAN — TOLENTINO

HINILING ni Senador Francis Tolentino sa Senate Committee on National Defense na imbestigahan ang sinabing …

BGen Villareal itinalagang bagong AFP DPAO chief

BGen. Villareal itinalagang bagong AFP DPAO chief

CAMP CAPINPIN — Malugod na tinanggap ng 2nd Infantry “Jungle Fighter” Division ang bago nitong …

Alexis Castro Connor Costello

Ugnayan ng Bulacan sa mga estado ng Australia, pinaigting

ISINUSULONG ng mga lokal na opisyal ng pamahalaang panlalawigan ng Bulacan at mga bumisitang Australian …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *