Friday , January 30 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bumiyahe si Pope Francis sa Baghdad sa makasaysayang pagdalaw sa mga Kristiyanong komunidad sa Iraq na apektado ng digma. Ito ang kauna-unahang papal visit sa nasabing bansa at makikita sa file photo ang pagdating ng Santo Papa sa Saddam International Airport. (Larawan mula sa Google)

‘Kiling’ na pagsunod ng Santo Papa sa CoVid protocols

Kinalap mula sa LaCroix International ni TRACY CABRERA

VATICAN CITY, ROME — Maging ang Vatican ay mahigpit na sumusunod sa mga quarantine restriction na itinakda para mapigilan ang pagkalat ng coronavirus.

Ngunit ayon sa mga insider sa Holy See, nagpapatuloy pa rin ang Santo Papa Francis na makipagdaupang-palad habang nasa pribadong pakiki­pagpulong — isang bagay na hindi pina­payagan ng health experts sa gitna ng krisis pangkalusugan na nananalanta sa buong mundo.

Ito, anila, ay halimbawa ng sinasabing selective observance ng papa sa mga CoVid protocol.

Gayonman, lubhang maingat ang entourage ng papa na hindi maipalabas ang alinmang larawan ng ganitong mga kaga­napan.

Ito’y dahil sa sa gitna ng nagpapatuloy ng krisis ng coronavirus, kahit ang Vatican ay kinakailangang sumunod sa ‘health safety precaution’ na sadyang ipinatutupad para mapigilan ang pagkalat ng CoVid-19.

Sa mga pasilyo ng Roman Curia, kailangan magsuot ang mga tao ng facemask at tuparin ang social distancing at sa mga ‘in person’ meeting, na isinasagawa sa ilang piling tanggapan tulad ng Congregation for Bishops and the Congregation for the Causes of Saints sa ilalim ng pamumuno ni Bishop Marcello Semeraro.

Palagiang may bakanteng upuan sa pagitan ng bawat cardinal o obispo na nakaupo sa paligid ng malalaking conference table.

Dangan nga lang, sa kabila ng social distancing measure, may isa pa rin indibiduwal na nakikipagkamay: ang Papa mismo.

Tiyak din namang hindi niya ito ginagawa kapag nariyan ang mga camera, tulad nang makaharap niya ang mga ambassador na accredited sa Holy See noong simula ng Pebrero o nang batiin siya ng mga mamamahayag na sumama sa kanya sa eroplanong patungong Iraq noong Marso.

Ngunit kapag nasa private audience, isang Francis — na nabakunahan na — ay tunay ngang masayang nakikipag­daupang-palad sa kanyang mga bisita sa nakalipas na mga linggo.

“The Vatican asked us not to make public images of him shaking hands,” wika ng nagulat na participant sa isang pagpupulong kamakailan kasama ang 84-anyos Papa.

Hindi magiging maganda kung makikita siya sa mga larawan o video habang lumalabag sa mga pandemic protocol, lalo’t dahil isa siya sa masugid na tagapagsulong ng bakuna kontra CoVid-19.

Ito ba ang opisyal na katuwiran ng Vatican Media noong Marso nang alisin ang apat na larawan mula sa Vatican News Twitter account na nagpakita ng mga taong walang face mask nang sinalubong ang papa sa Iraq?

Kung anoman ang dahilan o katuwiran, ito ay patunay ng sensiti­bong isyu sa Vatican.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Tracy Cabrera

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

FDNY China WPS

Mga Makabayang Grupo Kinondena ang Agresyon ng China sa West Philippine Sea

Nagdaos ng kilos-protesta ang Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY), kasama ang mga lider at …