Thursday , December 26 2024

Bakuna vs CoVid-19 dumating, infected sa virus lalong dumami

DATI ay bakuna ang hinihintay natin bilang panlaban sa CoVid-19. Ngayong nagdatingan na ang mga naturang bakuna saka naman dumagsa ang mga nahawa.

Ano na nga ba ang kakulangan na dapat ipatupad ng ating gobyerno para sa kapakanan ng ating mga mamamayan na ngayon ay hirap at pasakit pa rin ang dinaranas.

Ilang mga kababayan na naman natin ang nawalan ng trabaho sanhi ng pagpapatupad ng enhanced community quarantine (ECQ). Siyempre ‘matic’ na lockdown ang karamihan ng mga barangay at balik na naman ang unified curfew sa National Capital Region (NCR) at karatig, ‘di po ba?

Paanong makapoporma at makababangong muli ang mga Pinoy? Taliwas rin naman ang sinasabi nilang muling pagbubukas ng ekonomiya.

Sentido-komun naman, paanong magbubukas ang ekonomiya gayong sarado ang maraming barangay dahil sa lockdown na sinabayan pa ng unified curfew mula 6:00 pm-5:00 am, paano na iyon?

Marami ang naguguluhan sa ginagawang palakad ng ating gobyerno na bigla-bigla na lamang nagbabagsak ng kung ano-anong polisiya na hindi naman yata angkop sa kasalukuyang problema.

Ang bakunang dati nating inaasahan ay dumating na ngunit sa pagdating nito ay lalo pa yatang dumami ang mga biktima ng nasabing virus.

Sinusunod naman ng ating mga kababayan ang lahat ng health protocols gaya ng pagsusuot ng facemask at face shield at gayondin ang physical distancing.

Sa kabila ng lahat, lalo pang lumalaki ang datos ng mga tinatamaan ng corona virus, saan na kaya ang mali at pagkukulang?

Lahat na yata ng brand ng mga bakuna na gawa pa sa iba’t ibang bansa ay dumating na ngunit wala pa rin pagbabago bagkus ay lalo pang tumataas ang bilang ng mga tinatamaan.

Panahon na siguro upang sipating mabuti ng ating gobyerno ang kanilang mga ipinatutupad na wala rin namang naging silbi. Lalong naghirap si Juan de la Cruz na hindi na malaman kung kanino kakapit.

Sa kasalukuyan ay ibinaba naman ang quarantine status sa NCR at karatig sa modified enhanced community quarantine (MECQ) na obligadong pagluluwag muli sa lahat ng aspekto.

Abangan na lang nating muli ang susunod na kabanatang pagdaraan ng mga Pinoy sa ilalim ng MECQ dahil wala namang ibang maaapektohan nito kundi ang mga indigent at mahihirap nating mamamayan, ‘di po ba?

GOD WILL MAKE A WAY WHEN THERE’S SEEMS TO BE NO WAY

Sa panahon ngayon at sa kasalukuyang hirap na pinagdaraanan natin ay wala na rin ibang kakapitan pa ang ating mga kababayan kundi ang Poong Maykapal.

Kung bigo ang ating gobyerno sa pagsugpo sa CoVid-19 na tila dumarami pa ang nagiging biktima, wala na rin silang sasandigan pa.

Ang mga ospital natin ay halos 99 porsiyentong puno ng mga pasyenteng biktima ng CoVid1-9, ang mga health workers ay tinatamaan na rin ang karamihan gayondin ang ating frontliners na ginawa na naman siguro ang lahat ng kanilang makakayanan.

Sa kabila ng lahat ng ito ay tila wala pa rin pagbabagong nadarama ang mga Pinoy, puro pa rin hirap, sakripisyo at pasakit.

Bukod sa kanilang kalusugang pinapangalagaan, nakararamdam na rin sila ng gutom dahil sa kawalan ng trabaho at hanapbuhay. Ito ay sanhi ng pagsasara ng mga kompanya at negosyo.

Kahabag-habag ang pinagdaraanan nila na walang iba kundi ang mahihirap at dukha nating mamamayan. Mga “no work, no pay,” “isang kahig, isang tuka.”

Bunga marahil ito ng mga polisiya ng ating gobyerno na basta-basta na lang ipinatutupad nang hindi na pinag-iisipan ang kahihinatnan.

Sa sitwasyong ito, wala na silang kakapitan pa ngunit hindi nawawala ang kanilang pananampalataya sa poong Maykapal.

Wait and watch lang tayo mga kapanalig dahil hindi niya tayo pababayaan at mananatiling nasa ating likuran.

Kung wala na talagang magagawa ang tao at gobyerno, siguradong siya na ang magpupuno ng lahat kung kaya’t pumirmis lang tayo dahil God will make a way when there’s seems to be no way.

YANIG
ni Bong Ramos

 

About Bong Ramos

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *