UMAASA ang mga tagahanga nina Kelvin Miranda at Mikee Quinto sa Book 2 ng matagumpay na seryeng pinagbidahan ng mga ito sa GTV, ang The Lost Recipe.
Request nga ng mga tagahanga ng dalawa na sana ay mapagbigyan ng Kapuso Network ang kanilang hiling na magkaroon ng Book 2 matapos umere ang finale episode nito kamakailan sa GTV.
At kahit nagkaroon ng special episodes last the Holy Week, hiling ng mga tagahanga ng dalawa na maipagpatuloy ang kilig sa mga karakter nina Harvey (Kelvin) at Apple (Mikee).
At kahit wala pang announcement kung magkakaroon ng Book 2, waiting lang ang mga tagahanga kung mapagbibigyan ang kanilang hiling.
MATABIL
ni John Fontanilla