Thursday , June 18 2026

Maja Salvador, queen kung ituring ng TV5 (Kahit tsugi ang unang show)

AWARE naman tayo na flop sa ratings ang ginawang Sunday musical variety show ni Maja Salvador sa Brightlight Productions na napanood sa TV5 kaya’t maagang namaalam ang show.

Pero sa kabila ng hindi pagpatok ng programa ni Maja kasama sina Piolo Pascual at Miss Universe Catriona Gray ay pinagkatiwalaan pa rin ng Singko si Maja at bibida pa ngayon sa teleseryeng Niño Niña, katambal ang sikat na komedyanteng si Empoy.

At dahil umani ng millions of views ang teaser ng nasabing soap ay mabango si Maja sa management ng TV5 na itinuturing pa siyang “Queen.”

Well mag-rate naman kaya ang Niño Niña at mapanindigan ni Maja na may karapatan siyang tawaging reyna ng network na kinabibilangan ngayon?

Or else baka ito na ang huling show niya sa estasyon ni Mr. Manny Pangilinan.

Samantala seryoso pala si Maja sa pagha-handle ng mga datihan at baguhang artista sa Crown Artist Management na pag-aari nila ng boyfriend o live-in partner na si Rambo Nuñez na isang negosyante.

Nabalita na isa sa hahawakan ng magdyowa ay si John Lloyd Cruz pero wala pang kompir­masyon kung totoo ito.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Vince Maristela Rak Rak - Sense of Love

Sparkle artist Vince Maristela pang-internasyonal na

RATED Rni Rommel Gonzales HINDI lang pam-Pilipinas, pang-international din ang datingan ng male Sparkle artist na si Vince …

Rico Blanco Project Baby

Rico Blanco gusto pa ring maikasal 

RATED Rni Rommel Gonzales MAY point in time pala na pumasok sa kamalayan ni Project Baby male …

Charo Cordial Kris Lawrence Katrina Halili Katie

Kris sinagot balikan nila ni Katrina 

NAGIGING palagay ang loob ng bawat celebrity na naitatampok ng Maddox Jewelry owner na si Charo …

Alfred Vargas Yasmine Vargas Cristiano

Anak nina Alfred at Yasmine na si Cristiano balik-swimming

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MASAYANG ibinahagi ng mag-asawang Alfred at Yasmine Vargas na nakabalik na sa swimming ang kanilang …

Ryza Mae Dizon

Ryzza Mae nag-birthday sa Hongkong

MATABILni John Fontanilla LUMIPAD patungong Hongkong ang actress at Eat Bulaga host na si Ryza Mae Dizon para i-celebrate …