Monday , February 2 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ang Sa Iyo Ay Akin tuloy-tuloy ang blessings

DAGDAG na blessings para sa mga bida ng Ang Sa Iyo Ay Akin ang pag-ere ng kanilang programa sa TV5. Bukod pa na ito ay maituturing na pinaka-matagupay na drama series na nabuo, naitawid, at magtatapos sa gitna ng pandemya at sa pagkawala ng prangkisa ng ABS-CBN.

Ito rin ang kauna-unayang serye na inilabas sa pamamagitan ng digital platform. Bukod pa sa mga papuring tinatanggap ng ASIAA mula sa manonood, lagi rin itong trending sa social media.

At noong Biyernes isa ang ASIAA sa bumandera na mapapanood na nga sa TV5 simula kahapon, Lunes. Kasama rin ang tatlo pang  “Primetime Bida” shows. Ito ay ang FPJ’s: Ang ProbinsiyanoWalang Hanggang Paalam, at ang finale week din ng Pinoy Big Brother: Connect.

“Biyaya talaga, kahit huling dalawang linggo, mapanood siya ng mas maraming mga tao na Kapamilya natin. Malaking bagay na ‘yan kaya taos puso pong pasasalamat sa Panginoong Diyos because this is really his gift,” ani Iza Calzado, isa sa bida ng Ang Sa Iyo Ay Akin.

Huge blessing namang maituturing ni Sam Milby ang pagbabalik sa free TV ng ABS-CBN”This is a huge blessing at sana, kasi last two weeks (na ng serye), lahat ng pasabog, sana kahit paano maka-catch up yung mga manonood.”

Samantala, makatigil-hinigang tagpo na naman ang sasalubong sa viewers ngayong linggo dahil malalagay sa bingit ng kamatayan si Jake (Grae Fernandez) sa tangka nitong muling takasan si Caesar (Simon Ibarra). Kaya tutok lang at huwag bibitaw.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …

Claudine Barretto Inday Barretto

Ina ni Claudine na si Mommy Inday pumanaw sa edad 89

PUMANAW na ang ina nina Gretchen, Marjorie, at Claudine Barretto na si Estrella Barretto, o mas kilala bilang Mommy Inday, …