PABIRTO ni Andrew Gan sina Arjo Atayde at JC Santos at gusto niyang makasama ang mga ito sa isang proyekto.
Kuwento ni Andrew, ”Gusto ko makatrabaho at sundan ang yapak ni Arjo. Ang galing niya kasing umarte kahit anong role na ibigay mo sa kanya, nagagawa niya ng buong husay.
“Kaya alam kong marami akong matututuhan sa kanya kapag nakatrabaho ko siya sa isang proyekto.
“Hinahangaan ko rin si JC, katulad ni Arjo mahusay din siyang aktor, isa rin siya sa gusto ko makatrabaho someday.”
Umaasa si Andrew na mabibigyan siya ng pagkakataong makatrabaho ang dalawa. Pero sa ngayon, busy siya sa promotion ng pinagbibidahan niyang BL Series na Limited Edition na ginagampanan niya ang character ni Jethro na mai-inlove kay Mario (Jomari Angeles).
Makakasama rin ni Andrew sa Limited Edition sina Ron Angeles, Donna Caraan, Ruby Ruiz, Iyah Mina, Michelle Jhoie Ferraris atbp. sa panulat ni Joni Fontanos at idinirehe ni Jill Urdaneta, produced nina Jojo Bragais at Michelle Jhoie Ferraris at mapapanood sa Bragais TV (Youtube) ngayong March 2021.
MATABIL
ni John Fontanilla