NAGPASIKLAB si Gracia o Samantha Lopez sa top rated serye ng Kapuso, ang Love of my Life.
Si gracia ay unang nakilala sa Eat Bulaga bilang dancer noong araw at humakot ng mga tagahanga kaya’t biglang nagkapangalan. Sa naturang serye napagod na marahil si Gracia sa kanyang role bilang anino ni Coney Reyes kaya’t nagpakitang-gilas noong tarayan sina Carla Abellana at Rhian Ramos na palaging nag-aaway dahil sa pagmamahal kay Mikael Daez.
Magaling na artista si Samantha o Janiz sa naturang serye kaya’t lumulutang kapag nasa eksena. Hindi siya natatalbugan ni Angeli Bayani na gumaganap bilang Osang, maid ni Coney.
SHOWBIG
ni Vir Gonzales