TINAPYASAN man ang budget ngayong 2021 ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) tuloy pa rin ang mga makabuluhang proyekto nila.
Ani FDCP Chairwoman Liza Dino, hindi mahahadlang ng kakulangan sa budget ang nasimulang adbokasiya nila para sa ikauunlad ng entertainment industry. Hindi rin nila babaguhin ang mga nakalinyang proyekto.
Isa na ang annual Film Ambassador’s Night na nagbibigay-pugay sa mga film industry creatives, artists, filmmakers, at films ng various formats na binibigyang pagkilala mula sa mga international film festival at award-giving bodies.
“FAN will bestow special awards to pay tribute to the invaluable contributions of film industry stakeholders who continuously work for the betterment of Philippine Cinema,” giit ni Liza.
Sa February 29 gagawin ang online awarding ng FAN 2021 via livestream sa FDCP Channel.
May 60 honorees at special awardees ang pararangalan ng FDCP, kabilang na ang filmmakers na sina Rafael Manuel at Lav Diaz na malaki ang naiambag sa movie industry.
Sina Alden Richards, Lovi Poe, Cherie Gil, Cong. Alfred Vargas, Dingdong Dantes, Arjo Atayde, Cristine Reyes, Allen Dizon at iba pa sa larangan naman ng pag-arte
Ang Haligi ng Industriya Award ay ibibigay kay Cinematography Icon Romy Vitug at ang Ilaw ng Industriya Award naman ay kay Gloria Romero.
SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio