Tuesday , January 27 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sofia nang pakialaman ang cellphone ng BF Nabistong may nagte-text na artista

SA guesting ni Sofia Andres sa Youtube channel ni Erich Gonzales kamakailan, tinanong ng huli ang una, kung napapag-usapan na ba nila ng boyfriend niyang si Daniel Miranda, na isang car racer ang kasal since may baby na sila, si Zoe Natalia na isang taong gulang na.

Sabi ni Sofia,”Napag-usapan namin iyan but we’re both young so we don’t want to rush things. Ito ‘yung laging sinasabi ng mga tao na ‘Why don’t you want to rush things, eh, may anak na kayo? What are you talking about?’ Sabi ko, well, ‘yun na nga, it’s (pregnancy)unplanned.

But I think this time it’s better for us to plan things para hindi kami nawawala sa path na gusto namin.”

Ayon pa kay Sofia, naniniwala siya na ang pagpapakasal ay isang bagay na tanging sila lang ni Daniel ang makapagdedesisyon kung kailan mangyayari.

Magpapa­kasal sila kasi gusto nila pareho at mahal nila ang isa’t isa.

We don’t want to leave each other. We don’t want to ruin the relationship. We want to last forever,”  aniya pa.

Ami­nado si Sofia na kahit ang kanyang mga magulang ay gusto nang magpakasal sila ni Daniel.

For my parents, kasi siyempre anak nila, babae ako, gusto nila ikasal ako. Kasi iba ‘yung ‘pag magulang ka. Sabi ko sa kanila, ‘I think we’re gonna get there.’ Hindi naman pwedeng ako ‘yung magtatanong, ‘di ba? Sabi nila, ‘Sige, anak, kung saaka masaya, then we’ll be happy.’”

Ipinag­darasal naman ng mahusay na aktres na mauwi sa pagpapakasal ang five-year relationship nila ni Daniel.

I am really praying to God kasi may anak kami, eh. Iba rin kasi ‘yung complete family.”

Maipagmamalaki naman ni Sofia na hindi seloso si Daniel.

Ako ‘yung talagang selosa. Siya ‘yung ‘how’s work? How’s everything?’ Ganoon lang.”

Sa pagiging selosa ni Sofia,umabot sa puntong tsinitsek niya ang cellphone ni Daniel. Na ayon kay Erich, nabisto nga ni Sofia na may nagti-text na artista kay Daniel.

Hindi pinangalanan ni Erich kung sino ‘yun. In fairness, gwapo naman kasi si Daniel. Kaya hindi kataka-takang maraming nagkakagusto sa kanya.

Si Sofia naman ay maganda at flawless pa kaya hindi na rin kailangang matukso pa sa iba si Daniel.

MA at PA
ni Rommel Placente

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Gelli De Belen Kaila Estrada Daniel Padilla

Gelli walang alam sa relasyon ni Kaila at Daniel 

MATABILni John Fontanilla NAGULAT at walang  alam si Gelli De Belen sa napapabalitang relasyon ng kanyang pamangking …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Barbie ‘di nagpatinag niratrat BI na kumakalat sa socmed

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang pagtataray ni Barbie Imperial sa social media tungkol sa isang blind …

Lance Carr Aubrey Caraan

Nawawalang phone ni Lance Carr nasa China na

MATABILni John Fontanilla NAG-UPDATE ang isa sa bida ng Viva One series, Hell University na si Lance Carr sa nawawala niyang …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …