Sunday , May 19 2024

Boobsie Wonderland, sobrang bilib at thankful sa Net25

MASAYANG-MASAYA ang heavyweight na comedienne na si Boobsie Wonderland sa pagkakapasok niya sa dalawang show ng Eagle Broadcasting Corporation-Net25, ito ang Eat’s Singing Time at Kesaya-Saya.

Kasama ni Boobsie sa Eat’s Singing Time sina Marcelito Pomoy at JC Parker, at ang Kesaya-Saya naman ay tinatampukan nina Robin Padilla, Vina Morales, Pilita Corrales, Kitkat, at iba pa.

Ipinahayag niya kung gaano kasaya na maging parte ng Net25.

Diretsahang saad niya, “Ten out of ten. Ganon kataas! Kumbaga sa percentage, hundred percent na masayang-masaya talaga ako sa network na iyan!”

Dagdag pa ni Boobsie, “Alam mo kuya, hindi ko alam na may Net25 pala na magbibigay lalo nang saya at pag-asa sa mamamayan ng walang pressure, walang puwedeng maghinanakit… although sa ibang channel na alam mo yun na may achuchuchu, may negative kiyeme…?

“Pero rito, ito hindi dahil sa rito ako nakapasok ngayon, ha, pero as an observant, observer ako, di ba? Ang ganda sa network na ito. Ito lang yung hindi kinailangan mag-push ng mga commercial, wala, iba talaga ang Net25, matindi!”

Dagdag pa niya, “Ito yung tipong talagang pagbubutihan mo ang trabaho mo para maipakita mo yung pasasalamat mo sa kanila, iyong natutuwa ka sa kanila, ‘di ba?”
Paano niya ide-describe ang show nilang Eat’s Singing Time?

Lahad niya, “Ay napaka… ewan ko lang… basta pang-masa siya, walang shala shala, walang mahirap, walang mayaman, basta napakaganda ng show.

“I mean, katuwaan lang talaga. Hindi ito pabonggahan ng boses, kasi nga Eat’s singing… ‘di ba? So, nandoon yung title niya, kaso yung Eat’s niya, kain, so talagang maano mong may halong kalokohan, may halong entertainment, parang ganoon.

“So, sobrang nakakatawa talaga siya. Ito yung programang hindi mo kailangan ma-stress, alam mo yun? Kasi, katuwaan lang talaga siya. Kaya, iba talaga ang Net25 sa lahat ng channel, sobra!”

Sa tingin niya, first in the Philippines ba ito?

“Kakaiba, kakaiba… at tsaka ang Net25 lang ang parang may ganito, ‘di ba? Ako, lumaki akong ganito at naging artista ako, never pa akong nakakita sa GMA man at sa ABS-CBN ng musical comedy show na ganito, eh.”

Patuloy pa niya, “So every Sunday naman, yung aming Kesaya-Saya with Robin Padilla, hello Robin iyan ha! Plus ate Vina Morales, yung mga legend singers natin na hanggang ngayon ay apaw na apaw sa mga kasikatan at walang pagbabago ang boses like Ms. Pilita Corrales at Darius Razon, ‘di ba?”

Ano’ng masasabi niya kina Marcelito at JC bilang katrabaho?

Wika niya, “Sobrang cool! Ano kami, para kaming magkakapatid. Kumbaga first time kong makatrabaho si Marcelito, ganoon din si JC Parker. Kaso ang ano kasi rito, si Marcelito ay singer, although singer din ako. Si JC Parker ay host-doon siya magaling eh, sa pagho-host. Tapos ako magaling sa pagpapatawa at sa pagkain nga. Kaya nag-ano talaga kami, nag-swak yung aming grupo, kaming tatlo.

“Si Marcelito, although di pa siya ganoon bilang komedyante sa mga ginagawa niya like sa Kesaya-Saya, kasi tuwang-tuwa ako sa kanya sa mga ginagawa niya sa Kesaya Saya eh, dito natutuwa rin naman ako pero as host-comedian, hindi pa siya ganoon kasanay.

“Pero masasanay din naman siya at tinuturuan ko naman. Unti-unti ay mahahasa na rin siya.”

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

About Nonie Nicasio

Check Also

Vice Ganda Piliin Mo Ang Pilipinas

Vice Ganda ipinakita ‘problema’ sa ‘Pinas sa Piliiin Mo Ang Pilipinas challenge

MA at PAni Rommel Placente NAG-POST at nakisabay na rin ang Unkabogable Star na si Vice …

Coleen Garcia Billy Crawford

Coleen sa mga humuhusga sa kapayatan ni Billy—He’s more than okay, wala na siyang mga bisyo

MA at PAni Rommel Placente MARAMING lumalabas na haka-haka nang mag-viral ang picture ni Billy Crawford sa …

Miss Lipa Tourism 2024

Ganda ng Lipa ibibida sa buong mundo

MATABILni John Fontanilla LABINLIMANG naggagandahan at lovely candidates mula sa iba’t ibang lugar sa Lipa …

Kira Balinger Kelvin Miranda

Kira  inamin feelings kay Kelvin: may kaunti, ang pogi kasi niya

MATABILni John Fontanilla KAHIT walling nabuong relasyon kina Kira Baringer at Kelvin Miranda, lead actors ng pelikulang, Chances Are, …

Lolit Solis

Bonggang birthday celeb ni Manay Lolit pinaghahandaan ng mga alaga

I-FLEXni Jun Nardo BONGGANG birthday celebration next week ang pinaghahandaan ng talents ni Manay Lolit Solis. …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *