Thursday , December 26 2024

DOTr, LTO ‘tameme’ sa Senado

‘NATAMEME’ ang mga kinatawan ng Depart­ment of Transportation (DOTr) at Land Transportation Office (LTO) nang gisahin sila sa Senado dahil sa palpak na pagpapatupad ng Private Motor Vehicle Inspection Center (PMVIC) at pagpapatupad ng batas para sa safety child seats sa mga sasakyan.

Nabigong makom­binsi ng DOTr at maging ni LTO chief, Assistant Secretary Edgar Galvante ang mga senador kung sa anong batas nila ibinatay ang pagpapatupad lalo ang pribatisasyon ng MVIS.

Tahasang sinabi ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto, ang maraming bayarin na ipinataw ng LTO ay lumilikha ng pagkakamal ng malaking ganansiya sa industriya bilang resulta ng pribatisasyon ng MVIS.

Babala ni Recto, ang MVIS ay isang P8-bilyong industriya kada taon para sa inspection firms, habang ang mandatory enrolment sa driving schools ay may potensiyal na magkamal ng P7.5 bilyon kada taon para sa mga may-ari.

“That’s just two (fees) out of many. It is unfair and premature to call these ‘money heist’ ventures, because as I have said, the objectives are laudable, but the implementation is far from lovable,” ani Recto.

Aniya, ang Republic Act 10930 na ginamit na basehan ng LTO sa kanilang Memorandum Circular 2019-2176 – na nag-aatas na mag-enrol sa driving school para mapagkalooban ng driving school certificate – ay hindi nagsasabing mag-enrol sa private driving academies.

“There is no explicit provision authorizing the LTO to impose the driving school diploma rule. This is a case of an overreach,” dagdag ni Recto.

Ang importante umano, nakapasa ang aplikante sa driving test nang walang pandaraya.

Kaugnay nito, inihain ni Recto ang Senate Resolution 638 para sa suspensiyon ng private Motor Vehicle Inspection Centers sa buong bansa hangga’t walang naisa­sagawang comprehensive public consultation.

Kabilang sa mga dumalo sa pagdinig ng Senate committee on public services at Senate committee on women, children, family relations and gender equality na pinamunuan ni Senadora Grace Poe ay sina Senate President Vicente Sotto III, Senate President Pro-Tempore Ralph Recto, Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri, Senate Minority Leader Franklin Drilon, senators Christopher Lawrence “Bong” Go, Joel Villanueva, Aquilino “Koko” Pimentel, Ramon Revilla, Jr., at Senadora Nancy Binay.

Ang mga naturang senador ay naniniwalang hindi handa ang resource persons sa pagsagot sa mga katanungan ukol sa isyu at tila mali ang data na isinumite sa kanila.

Bukod dito hiniling ni Poe sa LTO na isumite sa komite ang listahan ng lahat ng centers na nagpapatupad ng MVIC at maging ang kabuuang miyembro o stockholders ng bawat kompanya.

(NIÑO ACLAN)  

 

About Niño Aclan

Check Also

Robin Padilla Cannabis Marijuana

Robin iginiit benepisyong medikal na makukuha sa cannabis

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MASIGASIG si Sen. Robin Padilla sa pagsusulong ng medical cannabis dahil naniniwala …

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *