Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

(Namirata ng Anak ng Macho Dancer, hina-hunting) Joed, magbibigay ng P10K pabuya sa makapagtuturo

HINDI pa man namin napapanood ang Anak Ng Macho Dancer,sinabi na namin sa aming sarili na once naipalabas na ito via KTX.ph, siguradong mapipirata ito.

Hayan na nga at nangyari na nang ipalabas ito noong Sabado, January 30 worldwide. Madali na lang kasi talaga itong mapipirata eh.

At ‘yung mga namirata hayan at pinagkakakitaan na nila ito. Ibibigay nila ang link, magbabayad lang ang gustong makapanood.

Grabe na sila!

Hindi na naawa sa movie producer. Pero ang magiging problema nila dahil sa kanilang social media accounts ay nakilala sila ni Joed Serrano na producer ng nasabing pelikula.

Hina-hunting sila ngayon at idedemanda.

Handang magbayad si Joed ng P10k sa sinumang makapagtuturo sa mga pumirata ng kanyang pelikula.

Dapat lang maturuan ng leksiyon ang mga ito. At para matakot na rin ‘yung mga susunod na mamimirata ng pelikula, ‘di ba?

Hindi ba nila alam na bawal ang kanilang ginagawa? May batas na anti-piracy pero sige pa rin sila.

Kailan kaya matututo ang mga tao? Kikita nga sila pero maghihimas naman ng malamig na rehas sa kulungan. ‘Yung iba na namirata, huwag na nilang ibenta ang pelikula or else kulong sila.

MA at PA
ni Rommel Placente

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …