Tuesday , January 27 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Heart, pinag-iingat sa mga kawatan P5.6-M halaga ng kwintas, ibinando

IKAW na! Ito tiyak ang masasambit mo sa pagpapakita ng mamahaling kwintas ni Heart Evangelista sa kanyang social media account. Nag-iisa talaga ang misis na ito ni Chiz Escudero pagdating sa kasosyalan kaya dapat lang na bansagang fashion icon with a heart.

Ipinakita ni Heart sa kanyang Instagram account ang white Serpenti Viper Necklace na mula raw sa Serpentine collection ng luxury brand na Bulgari. Sinasabing nagkakahalaga iyon ng P5.6-M.

Ani Heart sa post niyang kwintas, ”Delicate sparkle you’ll never want to take off.”

“Nothing goes better together than diamonds and feathers.”

Ang Serpenti Viper Necklace ay nagkakahalaga raw ng P5.6 million dahil ito ay18 karat white gold, set with full pave diamonds, ayon na rin sa website ng Bulgari. Sinasabi pang, ”sophisticated and glamorous,” ang kwintas na ito.

Marami ang napa-wow sa pagbabandera ni Heart ng kanyang alahas. Mayroon din namang nagbabala sa aktres dahil baka matulad siya kay Xian Lim kaya pinaalalahanang, mag-ingat sa pagpo-post.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Gelli De Belen Kaila Estrada Daniel Padilla

Gelli walang alam sa relasyon ni Kaila at Daniel 

MATABILni John Fontanilla NAGULAT at walang  alam si Gelli De Belen sa napapabalitang relasyon ng kanyang pamangking …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Barbie ‘di nagpatinag niratrat BI na kumakalat sa socmed

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang pagtataray ni Barbie Imperial sa social media tungkol sa isang blind …

Lance Carr Aubrey Caraan

Nawawalang phone ni Lance Carr nasa China na

MATABILni John Fontanilla NAG-UPDATE ang isa sa bida ng Viva One series, Hell University na si Lance Carr sa nawawala niyang …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …