Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
gun shot

Nagpaputok ng baril sa convenience store 50-anyos lalaki arestado

DINAKIP ng mga awtoridad ang isang 50-anyos lalaki matapos magpaputok ng baril sa labas ng isang convenience store sa lungsod ng Butuan, lalawigan ng Agusan del Norte, nitong Miyerkoles, 20 Enero.

Kinilala ni Police Regional Office 13 (CARAGA) director P/BGen. Romeo Caramat ang suspek na si Noel Salvador, 50 anyos, residente sa Purok 5, Silad, Bgy. Mahogany, sa naturang lungsod.

Nabatid na nakainom si Salvador nang magpaputok ng kanyang baril sa harap ng isang convenience store na matatagpuan sa North Montilla Blvd., corner Rosales St., Brgy. San Ignacio, sa lungsod.

Ani Caramat, bagaman walang naiulat na nasaktan, nagdulot ng pangamba sa mga residente ang isang beses na pagpapaputok ng baril ng suspek.

Narekober mula sa pinangyarihan ng insi­dente ang isang kalibre .45 barilm may dalawang magasin at 15 baka, at isang basyo ng bala nito.

Kasong Alarm and Scandal at paglabag sa RA 10591 o The Comprehensive Firearms and Ammunition Act ang kahaharapin  ng suspek.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Atong Ang

5 baril ni Atong Ang, isinuko sa kapulisan

ISINUKO ng negosyanteng si Charlie “Atong” Ang ang limang baril sa mga awtoridad matapos bawiin …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

Rolando Valeriano Kiko Barzaga

Cong. “CRV” Valeriano nagsampa ng Cyber Liber case vs Cong. Kiko Barzaga

PORMAL na naghain ng cyber libel case si Manila 2nd District Representative Rolando Valeriano laban …

Rolando Valeriano

Manila Rep. Rolando Valeriano Nagharap ng Cyberlibel Complaint vs. Cavite Rep. Barzaga Dahil sa Alegasyong ‘Bribery’ sa NUP

BILANG kasapi ng National Unity Party (NUP), naghain si Manila 2nd District Representative Rolando M. …

SM San Vicente Health Center Photo

Bagong renovate na health center, hatid ang malasakit at pangmatagalang kalusugan ng komunidad

Ang bagong ayos na San Vicente Health Center ay nagbibigay ng mas maayos na daloy …