Friday , June 5 2026

Vice Ganda, sinopla si Harry Roque

SABI ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa televised press briefing mula sa Malacañang nitong Lunes, January 11, hindi maaaring pumili ng libreng COVID-19 vaccine brand na ituturok sa mga tao.

“Wala pong pilian, wala kasing pilitan,” sagot ni Roque sa tanong ng isang mamamahayag kung may choice ba ang free vaccine beneficiary kung anong brand ang gagamitin sa kanya.

Pero kontra si Vice Ganda sa sinabing ito ni Roque. Kaya naman nag-tweet siya ng ganito, (published as is): “Sa sabong panlaba nga choosy tayo e, sa bakuna pa kaya. Ano to basta may maisaksak lang?! Vaklang twoooaahhh!!”

Ang opinyong ito ni Vice ay pareho rin ng sentimyento ng ilang senador tulad ni  Senator Panfilo Lacson: Sabi niya, “It’s not fair to say that Filipinos cannot choose their vaccines.”

Para kay Lacson, mali na ngang kontrolado ng gobyerno ang pagdedesisyon sa COVID-19 vaccine brand na bibilhin, “pati ba naman ang pagpili kung ano ituturok sa braso ng Filipino, hindi pa rin puwede mamili ang Filipino?”

MA at PA
ni Rommel Placente

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

It’s just is. And we just are — Daniel sa pictures nila ni Kaila

MA at PAni Rommel Placente NAGBAHAGI sa kanyang Instagram page si Daniel Padilla ng mga litrato nila ng girlfriend …

Sheryl Cruz 2026 Model Mom Award Viva Cafe

Sheryl Cruz Model Mom 2026

MATABILni John Fontanilla ISA si Sheryl Cruz sa pinarangalan sa 2026 Model Mom Award na ginanap sa Viva Cafe …