TUNGKOL sa hindi paggalaw at pisikal o mental na karamdaman ang card ng ‘Eight of Cups.’
Nagsasabi ng mahalagang mensahe ang card na ito na hindi na makabubuting manatili ka pa sa kasalukuyan mong kalagayan.
Sa kadahilanang hindi na ito maaayos o walang pag-asa na maayos pa.
Dapat ayusin ang sarili at magsimula muli, gaano man kabigat ang gagawin mo kailangang mo itong gawin para na rin sa iyong kabutihan. Upang matapos na ang sitwasyon mong kaawa-awa at napabayaan.
Nagsasaad din ang card na ito na tumigil sa mga nakababagot na gawain na lagi mong ginagawa at mag-relax. Gamitin ang oras para maisip kung ano ang mga layunin at importante sa iyong buhay.