Thursday , December 26 2024
fire sunog bombero

Sunog sumiklab sa Zambo City 100 pamilya nawalan ng tirahan

HINDI bababa sa 100 pamilya sa Brgy. Tetuan, sa lungsod ng Zamboanga, ang nawalan ng tirahan nang masunog ang kanilang mga bahay pasado 11:00 am, kahapon, 6 Enero.

Ayon kay Maria Socorro Rojas, city social welfare and development officer, pansamantalang sumisi­long ang mga apektadong pamilya sa isang paaralan.

Matatagpuan ang baha­yang tinupok ng apoy katabi ng planta ng softdrinks tatlong kilo­metro mula sa sentro ng lungsod.

Ayon kay Chief Insp. Jacqueline Ortega, city fire marshal, aabot sa 40 bahay ang naabo sa sunog na sanhi ng electrical short-circuit mula sa bahay ng isang Adela Pitua.

Umabot sa pangala­wang alarma ang sunog na tuluyang naapula sa tulong ng higit sa isang dosenang estasyon ng bombero dakong 1:00 pm.

Tinatayang nagkaka­halaga ng P350,000 ang pinsalang idinulot ng sunog.

About hataw tabloid

Check Also

Robin Padilla Cannabis Marijuana

Robin iginiit benepisyong medikal na makukuha sa cannabis

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MASIGASIG si Sen. Robin Padilla sa pagsusulong ng medical cannabis dahil naniniwala …

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *