Sunday , September 8 2024

Milyones ni Harlene, natengga dahil sa Covid

MILYONES ang natengga sa Heaven’s Best Entertainment ni Harlene Bautista dahil sa pandemyang dulot ng COVID-19.

Apat na movies ang natapos ng film production ni Harlene – In The Name of The Mother, Fusion,  ang Ken Chan-Rita Daniela, at Isa Pang Bahaghari.

Para sa 1st Metro Manila Summer Film Festival ang Ang Isa Pang Bahaghari. Eh, nagka-lockdown at masuwerteng napili itong entry sa Metro Manila Film Festival 2020.

Bida si Snooky Serna sa In The Name of The Mother. Mother’s Day next year ang target nitong playdate ayon kay Harlene.

Pero ‘yung dalawang movies eh wala pang katiyakan. Hindi ito dahilan para madesmaya ang bunsong kapatid ni former QC Mayor Herbert Bautista at Hero.

Bukod sa pagtulong sa movie, industry, alay di namin ang mga movie sa father kong si Butch Bautista na isang actor at director, pati sa Mommy Baby ko na kilala ninyong lahat na mabait sa mga taga-industry.

Small player pa lang kami pero hindi kami magsasawang tumulong sa worker sa industry at ang movies namin ang alay namin sa kanila,” rason ni Harlene sa virtual presscon ng filmfest entry ng kompanya.

Sequel ng best picture na hit na Rainbow’s Sunset ang Isa Pang Bahaghari. Mas matindi ang casting nito dahil bukod sa senior stars na sina Nora Aunor, Michael de Mesa, at Philip Salvador, kasama rin sa cast sina Zanjo Marudo, Maris Racal, Joseph Marco, at Sanya Lopez.

I-FLEX
ni Jun Nardo

About Jun Nardo

Check Also

Boobsie Wonderland

Boobsie Wonderland ‘di nag-klik bilang sexy singer

HATAWANni Ed de Leon MANINIWALA ba kayong iyong komedyanteng si Boobsie Wonderland ay isang dating sexy singer? …

Teejay Marquez

Teejay mali ng diskarte, pagto-thong walang dating

HATAWANni Ed de Leon PARANG nagmumukha namang kawawa si Teejay Marquez, naghirap siyang nagpaganda ng katawan, …

MTRCB

PD 1986 ng MTRCB dapat amyendahan

HATAWANni Ed de Leon TINANONG ni Senador Jinggoy Estrada kung ano ang opinyon ng MTRCB (Movie and Television Review …

Tutop Romm Burlat

Direk Romm Burlat, mapansin na kaya ngayon sa Ani Ng Dangal awards?

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio TULOY-TULOY sa paggawa ng projects ang award-winning director na si …

A Journey to Greatness, The Marcos Mamay Story 

Mayor Mamay maraming hirap ang pinag daanan bago nagtagumpay

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang red carpet premiere night ng pelikulang pinagbibidahan nina Jeric Raval, Ara Mina, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *