Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Nora, may tulog kay Shaina sa pagka-Best Actress

MARAMI sa mga nakapanood sa advance screening ng pelikulang Tagpuan, isa sa official entry sa MMFF 2020 ang nagsasabing napakahusay ni Shaina Magdayao, isa sa leading ladies ng bidang si Cong. Alfred Vargas.

So, tama pala ang aktor cum politician sa papuri niya kay Shaina na mahusay ito sa kanilang pelikula.

Kakaibang akting nga ang ipinamalas ng batang kapatid ni Vina Morales sa Tagpuan, malalim, pang-Best Actress ang dating.

Malaki ang magiging laban ng dalaga kay Nora Aunor sa Best Actress category sa gaganaping MMFF Awards Night on December 27.

Kahit napakahusay ni Ate Guy sa movie niyang Isa Pang Bahaghari, huwag munang pakakampante o pakasisiguro ang mga tagahanga ng nag-iisang Superstar dahil nga sa hindi matatawarang akting na ipinamalas ni Shaina sa kanilang pelikula.

Well, what if kung si Shaina nga ang tanghaling Best Actress sa MMFF Awards Night at hindi si Ate Guy, ano kaya ang mararamdaman ng mga Noranian?

Pero si Sylvia Sanchez, ay may entry din sa MMFF 2020, ang Coming Home.

Alam naman nating isa ring award winning actress si Sylvia kaya tiyak na sa movie nila nila ni Sen. Jinggoy Estrada ay mahusay din siya.

Kaya talagang hindi pa rin natin masasabi kung sino nga ba ang papalarin para tanghaling Best Actress sa darating na awards night ng taunang Pista ng Pelikulang Pilipino.

Abangan na lang natin kung sino ang papaboran ng mga hurado.

MA at PA
ni Rommel Placente

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …