Saturday , November 16 2024
ABS-CBN congress kamara

Pagbabalik ng ABS-CBN tiyak na sa liderato ni Velasco (Sa 2021)

KINOMPIRMA mismo ni Deputy Speaker at Buhay Partylist Rep. Lito Atienza na magbubukas muli sa 2021 ang ope­rasyon ng TV giant ABS-CBN bilang resulta ng pagpapalit ng liderato sa House of Representatives.

Ayon kay Atienza, sa ilalim ng pamumuno ni House Speaker Lord Allan Velasco ay ma­ibabalik muli sa floor ang diskusyon sa pagpa­palawig ng prankisa ng ABS-CBN.

“I am really confident, justice will prevail by next year. They (ABS-CBN) were maltreated, they were maltreated, they were eventually assassinated, so they should be given justice. Ako, I am just giving the new Speaker time to settle. Hindi naman natin puwedeng biglain, major battle, kauupo lamang niya. But I am not shying away from the responsibility and for the opportunity to come – that I’m working on – para maibalik natin ‘yung floor discussion. Hindi ‘yung special firing squad ang pumatay sa ABS-CBN, firing squad e,” paliwanag ni Atienza.

Ang firing squad ay pagtukoy sa ginawang pagbasura agad sa komite level ng franchise renewal application ng giant network at hindi na ito naisalang sa House Plenary.

Sa botong 70 pabor, 11 pagtutol at 1 abstain ay matatandaang ibina­sura ng House Committee on Legislative Franchises ang aplikasyon para sa franchise renewal ng ABS-CBN.

Sinabi ni House Minority leader at Abang-Lingkod party-list Rep. Joseph Stephen Paduano na pagpasok ng 2021 ay maaari nang maghain ng franchise renewal application ang ABS-CBN alinsunod na rin sa rules ng Kamara.

Sa ngayon ay wala pang pro-ABS-CBN congressman ang naghahayag ng kanilang intensiyon na maghain ng panukala para irenew ang prankisa ng ABS-CBN ngunit kung pababayaan ang House rules ay maaaring hindi na maghain ng bagong aplikasyon dahil maaari namang  gamitin ang dati nang panukala dahil walang pagbabawal sa filing o refiling ng mga bills na hindi naaktohan ng komite.

Nang tanungin si Atienza kung isa sya sa maghahain ng panukala para sa franchise renewal ng ABS-CBN, positibo ang kanyang naging sagot at sinabing gagawin niya ito pagdating ng pana­hon.

Matatandaan, nasa 16 mambabatas sa Kamara ang sponsor ng iba’t ibang resolusyon at panukala para sa franchise renewal noon ng ABS-CBN kabilang dito sina representatives Sarah Elago, Sol Aragones, Arlene Brosas, Eufemia Cullamat, Lawrence Fortun, Mark Go, Rufus Rodriguez, Josephine Sato, Micaela Violago, Rosemarie Arenas, France Castro, Ferdinand Gaite, Loren Legarda, Vilma Santos-Recto, Joy Tambunting at Carlos Zarate, ang dalawang sponsor na sina Paduano at Kabayan Partylist Rep. Ron Salo ay nag-withdraw ng kanilang support kalaunan.

Tiwala ang mga mambabatas, sa pag­babago ng liderato sa Kamara ay magkakaroon ng pag asa na mabigyan ng prankisa ang ABS-CBN.

Ilang insider sa Kamara ang suportado din ang naging pahayag ni Atienza, anila, ina­asahan nilang uusad na ngayon sa liderato ni Speaker Velasco ang ABS-CBN franchise lalo at dalawa sa mga supporters ng ABS-CBN sa Kamara ang naipuwesto umano bilang Deputy Speaker.

Unang tinukoy si Atienza at ikalawa si Deputy Speaker, Caga­yan Rep. Rufus Ro­driguez.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *