Thursday , June 4 2026

Big time pusher tiklo sa buybust P3.4-M shabu kompiskado

TIMBOG sa entrapment operation ang suspek na kinilalang si Jayson Crisostomo, 27 anyos, residente sa lungsod ng Navotas, sa buy bust operation na ikinasa ng pinagsanib na puwersa ng PDEA 3, PDEA 4-A, at PDEA 1 sa kahabaan ng McArthur Highway, Balibago, sa lungsod ng Angeles, sa lalawigan ng Pampanga, nitong Miyerkoles ng gabi, 2 Disyembre.

Ayon kay PDEA Director Christian Frivaldo, itinuturing na high value target ang suspek na supplier ng malakihang bulto ng ilegal na droga sa mga lungsod ng Angeles at Mabalacat, at ibang mga bayan ng Pampanga at Tarlac.

Nakompiska ng anti-narcotics operatives mula sa suspek ang 500 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P3,400,000, isang cellphone, timbangan, P1,000 marked money, at limang bulto ng boodle money na ginamit sa operasyon.

Kasong paglabag sa Section 5 (Sale of Dangerous Drug) ng Article ll ng RA 9165 ang ihahain laban kay Crisostomo na nasa kustodiya ng mga raiding team. (RAUL SUSCANO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Raul Suscano

Check Also

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …

Kiko Barzaga

Barzaga pinatalsik na, binura pa sa roster ng House of Representatives

BINURA kagabi, Martes, 2 Hunyo 2026, sa roster ng mga miyembro ng Kamara si Cavite …

PNP PRO3 Central Luzon Police

Sa Pampanga at Nueva Ecija
DALAWANG HIGH-VALUE TARGET TIMBOG SA P2.7-M HALAGA NG SHABU

DALAWANG high-value individuals ang naaresto sa pinaigting na kampanya ng Police Regional Office 3 (PRO3) …

Sibuyas Onions

₱35.4-M puslit na sibuyas nakompiska sa Nueva Ecija masterminds tinutugis

LABIS sa ₱35.4 milyong halaga ng pinaghihinalaang puslit na sibuyas ang nakompiska sa isang cold …

Arrest Shabu

13-anyos arestado sa P6.8-M shabu

MULING nakasamsam ng P6.8 milyong halaga ng shabu mula sa isang lalaking menor de edad …