Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ai Ai, may pa-tribute sa asawang si Gerald–Tumaba, mas tumaba pa…nagpiloto, pumayat

MALAKING dahilan ang pagiging piloto ng asawa ni Ai Ai de las Alas na si Gerald Sibayan kaya namangha ito sa major transformation ng kabiyak.

Deskripsiyon ni Ai Ai kay Gerald sa Instagram post, “Super BORTA…hay naku ang haba na ng pinagsaamahan natin.”

Bagets pa lang si Gerald nang magkakilala sila ni Ai Ai bilang bahagi ng Badminton National Team.

Naka-graduate, nagtrabaho bilang coach ng De La Salle University.

“Tumaba, mas tumaba pa…nagpiloto, pumayat, para makakuha ng lisensiya, nagpapayat hanggang nag pandemic, naging siomai king online franchisee,” saad pa ng Comedy Queen.

Ang post ni Ai ay parang tribute sa asawa sa kaarawan nito last November 30.
“HAPPY BIRTHDAY MY EX BOYFRIEND, MY KATSISMISAN, MY BEBE, MY DARL…

“Have a  blast my dear husband. I love you so much.”

Eh dahil lock-in taping ngayon si Ai Ai sa Kapuso series niyang Owe My Love, pinapelan ni Gerald ang personal assistant niya.

I-FLEX
ni Jun Nardo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jun Nardo

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …

Claudine Barretto Inday Barretto

Ina ni Claudine na si Mommy Inday pumanaw sa edad 89

PUMANAW na ang ina nina Gretchen, Marjorie, at Claudine Barretto na si Estrella Barretto, o mas kilala bilang Mommy Inday, …