Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kathryn, thankful sa pag-rescue ng SMC sa mga naiwang aso sa Bulacan

I’M proud of the San Miguel family for taking care of the dogs that were stranded in Bulacan.” Ito ang nawika ni Kathryn Bernardo nang malamang inaalagaan na ng San Miguel Corporation (SMC) ang mga naiwang aso sa bayan ng Bulacan na roon itatayo ang Manila International Airport project.

“I’m happy that these dogs were rescued and, hopefully, will be adopted by loving homes. Thank you, San Miguel,” sabi pa ni Kathryn na may 11 alagang aso.

Mabilis na umaksiyon ang SMC nang malamang 70 aso ang naiwan sa Barangay Taliptip. Agad din silang nagpadala ng Nutrichunks dog food para mapakain agad mapakain ang mga aso.

At sa tulong ng Animal Kingdom Foundation (AKF), 53 aso na ang na-rescue simula noong Nobyembre 16 at nailipat sa AKF shelter sa  Capas, Tarlac. May natitira pang 20 aso na kailangang i-rescue sa mga susunod na araw.

Ang mga asong dinala sa AKF sa Tarlac ay gagamutin at kakapunin bago sila ihanap ng mga mag-aampon.

Nauna nang pinasalamatan ni Kathryn, endorser ng Nutrichunks dog food, Magnolia Ice Cream, at San Mig Coffee Crema White  ang SMC, na pinamumunuan ng presidente at chief operating officer nitong si Ramon S. Ang nang magsagawa ng paraan para magkaroon ng hanapbuhay at oportunidad sa pagnenegosyo  sa Central Luzon sa pamamagitan ng Manila International Airport at Bulacan Airport City Freeport Zone.

Ani Kathryn, mahalaga ang hanapbuhay para sa maraming Filipino lalo’t nagka-pandemya dulot ng Covid-19.

Maliban sa relokasyon ng mga taga-Taliptip mas, matibay at maayos na bahay ay nagpa-training ang SMC para sa mga gustong magtrabaho sa airport sa ilalim ng livelihood and skills development program  ng Technical Education Skills and Development Authority (TESDA).

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …