Thursday , December 26 2024

Infra budget ng solons lomobo — Lacson (Sa ilalim ni Velasco)

BIGLANG naiba at lomobo ang infrastructure budget ng mga kongresista nang maupong House Speaker si Marinduque Rep. Lord Allan Velasco, pag-amin ni Sen. Panfilo Lacson.

Ayon kay Lacson naging kapansin-pansin na binago ang House version ng General Appropriations Bill (GAB) nang magpalit ng lider ang Kamara, inihalimbawa nito ang isang distrito na P9 bilyon ang inisyal na budget nang si Taguig Rep. Alan Peter Cayetano ang House Speaker ngunit nang magbitiw at palitan ni Velasco, ang distrito na hindi nito tinukoy ay biglang naging P15 bilyon ang infrastructure budget.

“Pagpalit ng liderato, napansin namin, halimbawa sa NEP (National Expenditure Program), ‘yung isang distrito nasa P9 billion. Siguro medyo matibay ‘yung distrito na ‘yun, paglabas ng GAB, under the new leadership, umabot pa (siya) ng P15 billion. Merong distrito din na nasa P4 or P5 billion, paglabas ng GAB, nadagdagan pa ulit ng another P4 or P5 billion, naging halos P8 billion na. So nakagugulat talaga,” pahayag ni Lacson.

Kinompirma ni Lacson ang malalapit kay Velasco ang dinagdagan ng pondo.

“No’ng nagpalit ng liderato, nagpalit ang ihip ng hangin. ‘Yung iba, from NEP, nabawasan (siya) pagdating sa GAB kasi under the new leadership. So ‘yung malapit sa kusina, ‘yun ang nadagdagan, at ‘yung mga outside the kulambo, ‘yun ang nabawasan,” ani Lacson.

Idinagdag ng senador, sa pagbabalangkas pa lang ng NEP ay mayroon nang gapangan ang mga kongresista para sa kanilang mga distrito, ani Lacson, dito nagkakaroon ng problema dahil ang mga ini-lobby na infrastructure projects ay nagreresulta sa poor planning.

“‘Yung pag-implementa, hindi maayos kasi hindi nasusunod ‘yung dapat na pagpaplano ng DPWH kasi pinapakailaman ng legislators. Walang pork pero sa implementasyon, hindi rin nawawala ang commission,” paliwanag ni Lacson.

Nang maupo si Velasco bilang House Speaker noong 13 Oktubre 2020 ay matatandaang bumuo din ng small committee na mangangasiwa sa 2021 budget, ang miyembro ng komite ay pawang ‘handpicked’ ni Velasco na nagrekomenda ng P20 bilyong amendments sa budget.

Kabilang sa mga miyembro ng small committee ay sina Majority Leader Rep. Martin Romualdez, House committee on appropriations chair Rep. Eric Yap, Rizal Rep. Jack Duavit, Bataan Rep. Jose Enrique Garcia, Albay Rep. Joey Salceda, Batangas Rep. Elenita Buhain, Bagong Henerasyon Partylist Rep. Bernadette Herrera, AAMBIS-OWA Rep Sharon Garin, Oriental Mindoro Rep. Doy Leachon, Camiguin Rep. Javier Romualdo, Samar Rep. Edgar Sarmiento at Nueva Vizcaya Rep. Luisa Lloren Cuaresma.

Sa kabila ng sunod-sunod na expose ni Lacson sa naglalakihang pondo ng mga kongresista ay nanatili namang tahimik ang tanggapan ni Velasco at tumatangging magbigay ng komento sa isyu.

Ilan sa tinukoy ni Lacson na may malaking infrastructure budget ay isang distrtito sa Davao na may P15.351 bilyong budget; sa Albay ay P7.5 bilyon, sa Benguet ay P7.9 bilyon habang sa Abra ay P3.75 bilyon.

Hindi tinukoy ni Lacson ang mga partikular na distrito ngunit isa sa may hawak ng Distrito sa Davao ay si Presidential Son at Davao 1st District Rep. Paolo Duterte, sa 2nd District ng Albay ay si Joey Salceda,  sa Abra ay si Lone Distrct Rep. Joseph Bernos habang caretaker naman sa Benguet si ACT CIS Partylist Rep. Eric Yap.

Ang pagkakaroon ng naglalakihang budget ng mga kongresista ay isang malaking usapin sa harap na rin ng naging kompirmasyon ng Presidential Anti Crime Commission (PACC) sa kanilang isinagawang imbetigasyon na nakatatanggap ng 10 hanggang 15% komisyon ang mga kongresista sa mga infra projects na ginagawa ng DPWH.

Sinabi ni PACC Commissioner Greco Belgica, sa laki ng komisyon ng mga kongresista sa mga proyekto bukod pa sa posiyento din ng mga tiwaling DPWH officials, mga contractor at district engineers ay halos 50% na lang ang napupunta sa project cost.

“Probably, around 50 percent or less will go to projects. That’s why we see substandard, incomplete projects because of that system,” pagtatapos pa ni Belgica.

About hataw tabloid

Check Also

Robin Padilla Cannabis Marijuana

Robin iginiit benepisyong medikal na makukuha sa cannabis

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MASIGASIG si Sen. Robin Padilla sa pagsusulong ng medical cannabis dahil naniniwala …

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *