Saturday , November 16 2024

Kredibilidad ng military sinisira ni Velasco (Sa pagtatanggol sa red-tagging vs Makabayan Bloc)

ITINURING ng isang batikang abogado na panghihimasok at pangmamaliit sa kakayahan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang ginawa ni House Speaker Lord Allan Velasco nang tahasan nitong ipagtanggol ang Makabayan Bloc ng Kamara sa naging akusasyon ni AFP Southern Luzon Command chief, Gen. Antonio Parlade na ang mga progressive solons ay may kaugnayan sa Communist Party of the Philippines (CPP).

Para kay Atty. Trixie Angeles, sinira ni Velasco ang kampanya ng pamahalaan laban sa mga communist group nang maliitin nito ang impormasyon mula mismo sa AFP.

“With all due respect, Speaker Lord Allan Velasco. I understand you and all other congressmen are duly elected officials. And that you must speak this way to protect the men and women in Congress. But that does not mean you get to dictate military or legal strategy,” paliwanag ni Angeles.

Aniya, kung hindi rin alam ni Velasco ang nangyayari sa ground ay mainam na hayaan na sa isyu ang AFP.

Iminumulat umano ng AFP ang publiko ukol sa recruitment na nangyayari sa mga unibersidad kaya  nagpapalabas ng impormasyon at babala ang AFP sa mga magulang ukol sa pagsali sa komunistang grupo at inilalantad na rin nito sa publiko ang mga personalidad na nasa likod ng grupo.

Aniya, nakalulungkot na mismong si Velasco na mula sa administrasyon ang pumipigil dito imbes hayaan ang estratehiyang ginagawa ng AFP.

“The communist insurgency has taken lives, broken families, arrested national development. It has been over fifty years. Clearly, we need to change our approach to this problem and end it once and for all. The old ways haven’t worked. So Gen. Parlade has brought the war for hearts and minds into the public eye and it is working,” paliwanag ni Angeles.

“Are you are trying to stop the AFP? Please don’t. Maybe we can save families from being broken, kids from dying senselessly. Don’t you think it is worth it?” pasaring ni Angeles kay Velasco.

Una nang sinabi ni Parlade, tagapagsalita rin ng National Task Force to End Local Communist (NTF-ALCAC), under surveillance ang mga progressive solons sa pagiging miyembro ng CPP.

Ani Parlade, mismong mga miyembro ng CPP na nagbalik-loob sa pamahalaan ang tumukoy sa mga mambabatas na kaanib ng kanilang grupo.

Inalmahan ni Velasco ang red-tagging sa Makabayan Bloc at binalaan si Parlade na mag-ingat sa kanyang mga akusasyon na walang basehan.

“General Parlade should be more circumspect and cautious in issuing statements against House members whose lives he may place at great risk and danger sans strong evidence. These lawmakers are duly elected representatives of the people, and implicating them on issues that have yet to be substantiated is uncalled for,” pahayag ni Velasco.

Apela ni Angeles kay Velasco, huwag pigilan ang AFP sa laban nito kontra sa mga komunistang grupo lalo’t tiyak umanong may basehan ang mga impormasyon na inilalabas nito.

Hindi ito ang kauna-unahang akusasyon na kaanib ng CPP ang Makabayan Bloc. Matatandaan na mismong si Pangulong Duterte ang nagsabi na may mga partylist groups sa Kamara ang may kaugnayan sa CPP at nagpopondo sa armed wing nito na New People’s Army (NPA).

About hataw tabloid

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *