Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

CollaBros talents ni film director and music video producer Reyno Oposa parami nang parami

PALAKI nang palaki ang pamilya ng CollaBros na sister company ng Ros Film Production ni Direk Reyno Oposa. Yes, majority ng mga artist ni Direk Reyno ay mga newcomer na gusto niyang makilala lahat sa showbiz sa pamamagitan ng ipino-produce at idinidirek niyang music videos.

May ilan rin silang talent sa CollaBros na mga kilalang social media influencer tulad ni Leng Altura at Whamos at nariyan rin ang maingay na rin ang pangalan na si Thania Puketera.

Dito naman sa bagong music video ng Ros Film Production na Ako Ang Piliin Mo na mapapanood sa official YouTube channel ni Reyno Oposa, bukod sa kumanta ng song na si Rhian Rey ay nasa cast rin sina Von Mira, Charise Lepiten, Eden Chugasna, at Ljie Kalon. Co-director naman si Bhuboy Pioquinto, Ppj Quintos (videographer), at Rhianny Covers na sumulat at nag-compose ng Ako Na Lang Ang Piliin.

Sa ganda at hugot ng OPM love songs ay patuloy na umaani ito ng magagandang komento at marami ang nag-like at share at thousands na rin ang views nito sa channel ni Direk Reyno.

Kabilang rin sa latest release na music video ni Oposa ang Teka Lang ng namayapang sikat na Vlogger na si Emann Nimedez na as of press time ay pumalo na sa 34 million views sa YouTube na ginawan naman ng cover song ni Arcil Pontillas na idinirek at ini-produce pa rin syempre ni Direk Reyno.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …