Thursday , June 4 2026

Ynna Asistio, ipinanalangin ang tatampukang Net25 series na Ang Daigdig Ko’y Ikaw

AMINADO si Ynna Asistio na hindi siya makapaniwala na masusungkit niya ang role ng lead actress unang romantic drama series ng Net25 na pinamagatang Ang Daigdig Ko’y Ikaw.

Magsisimula itong mapanood sa November 28 at tuwing Saturday, 8pm. Katambal dito ni Ynna si Geoff Eigenmann.

Saad ni Ynna, “Malaking challenge po ito sa akin, lalo na at sa ilang taon ko na sa showbiz ay ngayon lang ako nabigyan ng isang lead role.

“Noong una, hindi talaga ako makapaniwala. Unti-unti kong na-realize na lead star na ako habang naka-lock in na kami. It was really my dream. Pinagdasal ko po talaga siya, ganoon din ang mom ko.”

Sa engrandeng presscon nito last Nov. 10 na ginanap sa INC Museum na katabi ng EBC Studios, pinuri ni Ynna ang kanyang leading man na si Geoff.

“Sobrang masaya po ako rito, napakagaang katrabaho ni Geoff. As in, hindi ako nahirapan. Hindi naman kasi kami close ni Geoff. So paano iyong pagwo-work namin sa isa’t-isa?

“Pero ang sarap lang ng feeling na alam ninyo ‘yung wala po kaming wall? Kumbaga, kinilala namin ang isa’t-isa. And naging madali na sa amin ang magtrabaho, kasi naging komportable po ako sa kanya, and at the same time, naging komportable siya sa akin,” esplika niya.

Dagdag pa ng anak ni Nadia Montenegro, “Kaya siguro nagawa rin namin nang maayos iyong trabaho namin, kasi sobrang professional po ‘yung partner ko. Kaya po nang natapos na ang aming taping-kasi lock in taping po kami, talagang na-miss naming lahat ang isa’t isa.”

Ang istorya ng Ang Daigdig Ko’y Ikaw ay iikot kina Reina (Ynna) at Romer (Geoff). Si Romer ay isang seaman na bumalik sa Pilipinas para magbakasyon at pansamantalang magtatrabaho bilang bellboy sa isang hotel. Si Reina naman ang anak ng may ari ng hotel kung saan nagtatrabaho si Romer.

Kahit may naging hadlang sa kanilang pagmamahalan, sina Romer at Reina ay nag-reunite upang palayain ang kanilang mga sarili sa nakalipas at ipaglaban ang kanilang pagmamahalan.

Ito’y sa pamamahala ni Direk Eduardo Roy, Jr., isinulat ni Bing Castro-Villanueva, at mula sa supervision ng director and writer na si Nestor Malgapo, Jr.

Kabilang sa casts ng Ang Daigdig Ko’y Ikaw sina Elizabeth Oropesa, Richard Quan, Sheila Marie Rodriguez, Paulyn Ann Poon, Tanya Gomez, Manolo Silayan, Arielle Roces, AJ Muhlach, Anna Mabasa-Muhlach, Jiro Custodio, Jellex David, at Myrna Villanueva Tinio.
ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio
Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

It’s just is. And we just are — Daniel sa pictures nila ni Kaila

MA at PAni Rommel Placente NAGBAHAGI sa kanyang Instagram page si Daniel Padilla ng mga litrato nila ng girlfriend …

Sheryl Cruz 2026 Model Mom Award Viva Cafe

Sheryl Cruz Model Mom 2026

MATABILni John Fontanilla ISA si Sheryl Cruz sa pinarangalan sa 2026 Model Mom Award na ginanap sa Viva Cafe …