Saturday , November 16 2024
Senate BGC bldg money

P10-B BGC senate building maluho kaysa P2-B DDR (Senado binira ni Salceda)

HINDI napigilan ni House committee on ways and means chairman, Albay Rep. Joey Salceda na pasaringan ang Senado at ikompara ang ginawang paggasta ng P10 bilyon para makapagpapagawa ng modernong senate building sa Bonifacio Global City (BGC) sa Taguig City habang pinanghihinayangang gastusan ang pagtatatag ng Department of Disaster Resilience (DDR) na pinaniniwalaang  pangmatagalang solusyon sa panahon ng kalamidad na pakikinabangan ng mas maraming Filipino.

Ayon kay Salceda, nakapasimple ng argumento sa DDR, makikita rito ang priorities ng bawat isa at nasa P2 bilyon lamang ang pondong kakailanganin para sa reorganisasyon nito malayo sa halos P10 bilyong halaga ng ipinatatayong gusali ng Senado.

“Gastos din pala ang paglipat sa BGC, sige mas unahin na nila ‘yun”pasaring ni Salceda.

Muling lumakas ang panawagan sa pagtatag ng DDR, ang ahensiyang tututok sa panahon ng kalamidad, matapos ang pananalasa ng bagyong Rolly sa Bicol na ikinamatay ng 20 katao at nasa P5.8 bilyon  ang nasirang impraestruktura.

Ang pagtatatag ng DDR, isa sa priority measures ni Pangulong Rodrigo Duterte ay aprobado na sa Kamara sa ilalim ng liderato ni dating House Speaker Alan Peter Cayetano gayonpaman nanatili itong nakabinbin sa Senado at tinututulan nina senators Panfilo Lacson at Dick Gordon sa katuwirang walang pondong pagkukuhaan para sa pagbubuo ng panibagong ahensiya.

Iginiit ni Salceda, permanenteng solusyon ang kailangan para mabawasan ang epekto ng mga kalamidad sa bansa kaya isinusulong ng Kamara na palitan ang NDRMMC na isa lamang council at palitan ng DDR na magiging isang permanent agency.

“Ang NDRMMC umaasa lang sa kontribusyon ng ibang members gaya ng pagpapalabas ng warning sa DOST, sa relief ay sa DSWD, ang rehabilitasyon ng mga kalsada sa NEDA at pagresponde sa DILG. Ang nangyayari ay kalat-kalat at hindi integrated ang pagtugon sa kalamidad kaya mabagal sa response at rehabilitation,” pahayag ni Salceda.

Inihalimbawa ng mambabatas ang nangyari noong supertyphoon Yolanda, siyam taon na ang nakalipas mula nang manalasa ito ngunit hindi pa natatapos ang rehabilitasyon dahil kung kani-kaninong ahensiya iniaasa ang pangangasiwa rito na malayo kung may DDR na magsisilbing primary agency na magiging responsable sa paghahanda habang nahaharap ang bansa sa sakuna at pagkatapos nito.

Iginiit ni Salceda, ang ginagawang pagpigil ng Senado sa pagbuo ng DDR ay maling-mali.

“Maraming mamatay sa gusto ng Senado, ang gusto nilang sabihin na inevitable na may mamamatay sa sakuna pero ito ay preventable kung mayroon tayong institusyon, hindi dapat na surrender na tayo at tanggapin na lang na ‘pag may sakuna may mamamatay na 10 katao, anong klaseng logic ‘yun,” ani Salceda.

Tinutukoy ni Salceda na Senate Building na gagastusan ng P10 bilyon ang 11-storey tower na matatagpuan sa 1.8 ektaryang Navy Village na pinangangasiwaan ng Bases Conversion Development Authority (BCDA).

Si Sen. Lascon na Chairman of Committee on Accounts at si Sen. Sherwin Gatchalian ang prime movers sa paglipat ng Senado sa BGC. Si Gatchalian ang naghain ng resolusyon na bumuo ng special committee na magsasagawa ng feasibility sa paglipat at pagpapatayo ng sariling gusali ng Senado habang si Lacson ang nangasiwa sa funding.

Una nang ipinagtanggol ni Lacson ang malaking pondo ng Senate Building na malaking katipiran kompara sa upang P171 milyon kada taon sa GSIS.

Nasa P4.58 bilyon ang inisyal na gastos sa gusali ngunit nadoble ito dala ng inflation sa construction cost at dahil ang kontrobersiyal na Hilmarc’s Construction na una nang inimbestigahan ng Senado dahil sa maanomalyang pagpapatayo ng Makati City Hall building ang nakakuha ng kontrata.

Target na maging fully operational ang bagong Senate building sa 2022.

 

About hataw tabloid

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *